• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, pinuri ang “expansion plans” ng Coca-Cola sa Pinas

“Coca-Cola’s expansion in the Philippines is very encouraging.”

 

Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. matapos i-welcome ang plano ng multinational company na maglagak ng US$1 billion para sa susunod na limang taon para itaas ang operasyon sa bansa.

 

 

Sinunggaban ang oportunidad sa domestic market at “large and young consumer pool” ng bansa.

 

“Of course, it’s very encouraging that you have decided to expand your operations here. I can, I am sure to the success simply because we have the markets here, growing, the people are, our population is relatively young, and so they are still very much in your market and I can see how the expansion could work,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa isinagawang pagpupulong sa Palasyo ng Malakanyang kasama ang mga top executives ng Coca-Cola.

 

 

Kabilang sa mga nakapulong ng Pangulo sa courtesy call ay sina Sabin Aboitiz, Aboitiz Equity Ventures Inc. (AEV) President at CEO at sina Sol Daurella Comadrán, Coca-Cola Europacific Partners’ (CCEP) Chairperson at Carles Villarubi Carrio.

 

Inihayag ang kumpiyansa ng Kumpanya sa business climate sa bansa, sinabi ni Comadrán na ang CCEP ay mamumuhunan sa Pilipinas sa susunod na limang taon, tinuran nito na ang kompanya ay mayroong 9,000 direct employees, at tinatayang 100,000 indirect employees.

 

 

“We generate 100,000 plus (employees) throughout the distribution, through our supplies, etc., etc. And we’re very enthusiastic and we see, we need to invest in the Philippines, invest to grow the business. And in the next five years, we’re planning for US$1 billion investment, and in fact, we’ve even doing a new plant, which we are building in Tarlac,” ang sinabi ni Comadran sa Pangulo.

 

Bilang bahagi ng corporate social responsibility ng Coca-Cola, binigyang diin ni Comadrán ang “inisyatiba ng kompanya tungo sa “koleksyon at recycling ng mga plastic. ”

 

 

“But the good thing about its operation in the Philippines is that it already has a very significant returnable glass bottle business,” dagdag na wika nito. (Daris Jose)

Other News
  • 2020 LBC RONDA: OCONER, BAGONG HARI

    KINORONAHAN ni George Oconer ang sarili bilang bagong hari ng LBC Ronda Pilipinas habang ang kanyang koponan na Standard Insurance-Navy ay muling tinanghal na team champion sa 10th anniversary race ng event na nagtapos kahapon (Miyerkules) sa harap ng provincial capitol sa Vigan, Ilocos Sur.   Nakontento ang 28-anyos na si Oconer na manatili sa […]

  • Gov’t uutang muli sa BSP ng P300 Billion

    Muli na namang uutang ang administrasyong Duterte sa sunod na taon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) upang pondohan pa rin ang ang mga programa laban sa COVID-19.     Gayunman ang halagang uutangin ay mas mababa umano kumpara sa mga nakalipas dahil na rin sa pagganda ng bahagya sa kondisyon sa ekonomiya.     […]

  • PRINCE HARRY, dadalo sa ‘royal ceremonial funeral’ ng kanyang lolo na si PRINCE PHILIP; MEGHAN, pinagbawalang bumiyahe

    DADALO sa funeral ng kanyang lolong si Prince Philip ang Duke of Sussex na si Prince Harry, pero hindi makakasama ang misis na si Meghan Markle dahil sa buntis ito ngayon.     Inabisuhan si Meghan ng doktor na hindi ito puwedeng bumiyahe.     Sa April 17 nakatakda ang “royal ceremonial funeral” at Windsor […]