• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, pinuri ang mga Filipino STEM winner, nangakong susuportahan ang innovation, tech

NAKIISA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Linggo sa pagdiriwang ng mga naging tagumpay ng mga estudyanteng Filipino na nag-excell sa larangan ng Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM).

 

Nangako rin ang Pangulo na patuloy na magi-invest at susuportahan ng kanyang administrasyon ang ‘innovation at technology.’

 

Sa kanyang weekly vlog na pinost sa social media, ipinagmalaki ni Pangulong Marcos ang mga estudyanteng Filipino na nakakuha ng parangal mula sa international STEM competitions.

 

Binigyang diin ng Pangulo ang mahalagang papel ng STEM education sa ‘modern technological landscape.’

 

Tinukoy ang aplikasyon nito sa halos bawat aspeto ng buhay ng tao.

 

“Mahalaga ‘yan dahil ang STEM subjects ang pinagbabasehan ngayon ng lahat bagong teknolohiya. Alam naman natin na ang lahat ng buhay natin ay dumarami ang involvement ng bagong teknolohiya,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

“Para magamit natin ‘yung mga bagong teknolohiya na ‘yan kailangan ay sanay na sanay tayo, nakaka-unawa tayo sa scientific studies at saka Mathematics para tayo ay makikilahok sa bagong ekonomiya ng mundo,”aniya pa rin.

 

Nangako naman si Pangulong Marcos na ipagpapatuloy ng gobyerno ang STEM education para palakasin ang susunod na henerasyon ng mga innovator, tiyakin na ang Pilipinas ay mananatiling competitive sa isang mabilis na umuunlad na technological landscape.

 

“Sa isang Bagong Pilipinas, patuloy ang pagpapatatag ng pundasyon para sa siyensiya at teknolohiya. Patuloy ang inobasyon dahil kaalaman ang ating sandata tungo sa isang maunlad at makabagong Pilipinas,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Other News
  • Full audit at investigation sa Oplan Double Barrel

    NANAWAGAN si House Assistant Minority Leader at Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas sa Commission on Audit (COA) na magsagawa ng isang komprehensibong audit sa Oplan Double Barrel ng Duterte administration kasunod ng naging pagbubunyag ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office general manager Royina Garma. Garma ukol sa cash rewards kada pagpaslang sa war on […]

  • China, kinastigo ang US-South Korea-Japan deal

    KINASTIGO ng China ang  kamakailan lamang na security commitment ng Estados Unidos, South Korea, at Japan.     “The Asia Pacific, which the Philippines is part of, should “not be turned into a boxing ring,” ayon sa  China.     Pinuna ni China’s foreign ministry spokesperson Wang Wenbin ang  tripartite ties’ joint statement na  “smeared […]

  • P850K HALAGA NG SHABU, NASAMSAM SA MAYNILA, 4 NA TULAK, ARESTADO

    TINATAYANG P850,00 halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa pagkakaaresto sa apat na hinihinalang tulak sa isinagawang buy bust operation sa Intramuros, Manila Miyerkules ng madaling araw.     Kinilala ang mga naaresto na suspek na si Victorino San Joaquin y Dimacali, alias Boss, 54,  ng 584-63 San Andres St. Brgy. 704, Malate, Manila dahil […]