• November 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, pinuri ang naging kontribusyon ng mga magsasaka sa pagtiyak na may ‘sapat na pagkain’ sa bansa

KINILALA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang mahalagang kontribusyon ng mga magsasaka sa pagtiyak na may sapat na pagkain sa bansa sa kabila ng lahat ng mga hamon.

 

“Tanggapin po ninyo ang aming pasasalamat sa mahalagang papel na ginagampanan ninyo araw-araw para masiguro na ang bawat Pilipino ay may sapat na pagkain,” ang bahagi ng naging talumpati ni Pangulong Marcos sa isinagawang distribusyon ng Certificates of Condonation with Release of Mortgage (COCROMs) sa Paniqui, Tarlac, araw ng Lunes, Setyembre 30.

 

May kabuuang 3,527 Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) sa Tarlac ang nakatanggap ng 4,663 COCROMs, naka-abswelto mula sa P124.64 million na pagkakautang.

 

Sinasabi pa rin na ang isang ARB ay maaaring makatanggag ng higit sa isang Certificate of Land Ownership Award (CLOA) depende sa technical description ng lupain
Hindi naman lingid sa kaalaman ng pamahalaan, ayon sa Pangulo ang mga hamon na kinahaharap ng ARBs, dahilan para kagyat niyang lagdaan noong nakaraang taon upang maging ganap na batas ang Republic Act No. 11953, o New Agrarian Emancipation Act.

 

“Sinasagot at inaalis na ng gobyerno ang malaking pasanin na dala ng mga utang na naging kakambal ng inyong mga lupang sakahan. Ang inyong mga amortisasyon, interes, at iba pang surcharges – lahat po burado na,” ang winika ni Pangulong Marcos.

 

Samantala, tiniyak naman ng Pangulo sa ARBs ang matatag na commitment ng gobyerno para ingat ang buhay at pagaanin ang buhay ng mga ito mula sa kanilang pagkakautang. (Daris Jose)

Other News
  • Super excited dahil idol ang female rockstar: ICE, kinilig nang makumpirmang special guest sa two-night concert ni ALANIS MORISSETTE

    KINILIG ng sobra and multi-platinum recording artist na si Ice Seguerra nang makumpirma na siya ang napiling special guest para mag-open ng concert ng international female rockstar na si Alanis Morissette na magaganap sa Mall of Asia Arena, na kung saan sold out na ang August 1.     Kaya last April, in-announce na ng […]

  • Duterte nasaksihan ang hagupit na iniwan ni ‘Ulysses’sa Cagayan

    Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang agarang tulong ng pamahalaan sa mga nasalanta ng pagbaha dulot ng Bagyong Ulysses sa Region 2.   Sa kanyang pagdalaw sa Cagayan, agad nagsagawa ng aerial inspection ang pangulo at nakita niya ang nararanasang paghihirap ng mga mamamayan sa lalawigan na labis na naapektuhan ng pagbaha.   Layunin ng […]

  • ARJO, kumpirmadong special guest sa sitcom nina MAINE na ‘Daddy’s Gurl’

    KUMPIRMADO na si Arjo Atayde ang special guest sa birthday episode ni Maine Mendoza sa sitcom nila ni Bossing Vic Sotto na Daddy’s Gurl na ipalalabas sa March 6 sa GMA-7.     In-announce nga ito sa interview ni Nelson Canlas noong Huwebes (Feb. 25) sa ‘Chika Minute’ segment ng 24 Oras.     Happy […]