PBBM, pinuri si Manny Villar sa naging papel nito para sa mas lalo pang pinahusay na ugnayan ng Pinas at Japan
- Published on November 28, 2022
- by @peoplesbalita
PINURI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang business tycoon at dating Senate president Manuel “Manny” Villar para sa naging mahalagang papel nito para lalo pang mapahusay ang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Japan.
Ito’y matapos na saksihan ni Pangulong Marcos ang ipinagkaloob na Order of the Rising Sun ng Japanese government kay Villar sa isang seremonya na isinagawa sa Ceremonial Hall ng Palasyo ng Malakanyang.
“Isang pagpupugay sa iyong pagkakahirang at naging kontribusyon sa ating bansa. Mabuhay ka,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang Facebook post, Biyernes ng gabi, ibinahagi rin ng Pangulo ang ilang larawan na kuha sa ceremonial awarding.
Si Japanese Ambassador to the Philippines Kazuhiko Koshikawa, ang nagkaloob ng award kay Villar, ang makikita naman sa Facebook post ng state-run Radio Television Malacañang (RTVM).
Sa kabilang dako, dumalo naman sa nasabing seremonya ang asawa ni Villar na si Senator Cynthia Villar, at mga anak na sina Senator Mark Villar, House of Representatives Deputy Speaker Las Piñas Rep. Camille Villar, at Vista Land president at chief executive officer Manuel Paolo Villar III.
Nakiisa rin sa naturang event si Presidential son at Ilocos Norte 1st District Rep. Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos.
Sa ulat, ipinagkakaloob ng Japanese government ang Order of the Rising Sun, isang Japanese decoration of honor, sa mga indibidwal mula sa Japanese at foreign nationals na nagpamalas ng kakaibang achievements sa kanilang larangan at maging “meritorious service and contributions” para sa ginagawang pagsusulong ng Japan sa iba’t ibang aspeto maliban sa military service.
Matatandaang, Abril 29, 2022 nang ianunsyo ng Japanese Embassy sa Maynila ang awarding ng Order of the Rising Sun kay Villar, pagkilala sa kanyang naging kontribusyon na palalimin ang ang economic ties sa pagitan ng Tokyo at Maynila.
“During the ceremony, Marcos recognized Villar’s vital role in strengthening the Philippines’ bilateral relations with Japan,” ayon sa RTVM.
“The President recognizes Villar’s significant contribution to the current strong bilateral relations between the Philippines and Japan,” ayon pa rin sa RTVM.
“He also expresses willingness to explore different areas of cooperation with Japan and affirms his commitment to sustain the trajectory of diplomatic ties between the two nations,” dagdag na pahayag ng RTVM. (Daris Jose)
-
Presyo, supply ng noche buena items, ‘stable’ – DTI
Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na sapat ang supply ng noche buena items at mga pangunahing bilihin hanggang ikalawang quarter ng susunod na taon. Pagtitiyak ito ni Trade Undersecretary Ruth Castelo sa harap ng pagkukumahog ngayon ng publiko na humabol mamili ng handa para sa Pasko at Bagong Taon. Sinabi […]
-
Kampanya laban sa terorismo paiigtingin pa ng gobyerno – PBBM
TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na lalo pang palalakasin ng gobyerno ang kampanya nito laban sa teroristang grupo na patuloy na naghahasik ng karahasan.Ginawa ng Pangulo ang pahayag matapos binigyang pugay ang anim na sundalo na nasawi sa enkwentro laban sa teroristang Dawla Islamiyah sa Lanao del Norte. Sinabi ng Pangulo kailanman […]
-
‘Quezon City gov’t sinimulan na ang pagbabakuna sa mga buntis’
Sinimulan na ng pamahalaang lokal ng Quezon City ang pagbabakuna sa mga QCitizens nito na mga buntis buntis sa ilang vaccination sites sa lungsod. Ang mga nanay na nasa second at third trimester lamang ang maaaring mabakunahan. Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, bago bakunahan ang mga buntis, sasailaim muna sila sa […]