PBBM, pinuri si Obiena sa pagkapanalo sa Germany meet
- Published on August 31, 2022
- by @peoplesbalita
PINURI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.si pole vaulter Ernest John “EJ” Obiena matapos magwagi sa Internationales Stabhochsprung-Meeting sa Jockrim, Germany.
“Isang maligayang pagbati para sa ating atleta na si EJ Obiena sa kanyang pagkapanalo ng gintong medalya,” ayon kay Pangulong Marcos sa isang Facebook post.
“Ang pinakitang gilas ni EJ sa larangan ng pole vault ay isang katangiang maaaring tularan ng mga kabataang nangangarap na maging isang atleta,” dagdag na pahayag nito
Kaagad namang in- acknowledged ni Obiena ang post ng Pangulo, sa Facebook din
“Maraming salamat po, President Bongbong Marcos, for the congratulatory message and recognition. I hope I did the country proud,” ani Obiena.
Sa ulat, naging makabuluhan ang pagbabalik-aksyon ni Pinoy pole vaulter EJ Obiena matapos masungkit ang medalyang ginto sa 26th Internationales Stabhochsprung-Meeting sa Jockgrim, Germany nitong Miyerkules .
Nakubra ni Obiena ang medalya nang matalon ang 5.81 metro kaya natalo nito si world No. 2 Chris Nilsen ng United States, nakakuha lamang ng ikalawang puwesto nang malampasan ang 5.71 metro habang si Kurtis Marschall ng Australia ay nakuha ang ikatlong puwesto.
Nabigong maitala ni Obiena ang 5.95 metro matapos ang tatlong beses na pagtatangka.
“Great start for the second part of the season,” banggit ni Obiena sa kanyang Facebook post.
Sasabak din si Obiena sa Athletissima Meet sa Lausanne, Switzerland simula Agosto 25-26, bago ang pagsalang sa True Athletics Classics sa Leverkusen sa Germany sa Agosto 28. (Daris Jose)
-
Mga lugar na may mataas na ‘quarantine classification’ mas lalo pang hihigpitan ng PNP
Mas lalo pang hihigpitan ng PNP ang pagpapatupad ng kanilang seguridad sa lahat ng mga quarantine control points lalo na duon sa mga lugar na may mas mataas na quarantine classification gaya na Enhanced Community Quarantine (ECQ) at Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ). Ayon kay PNP Deputy Chief for Operations (TDCO) at JTF Covid […]
-
Ads August 13, 2024
-
Tuparin ang pangakong P20 na presyo ng bigas, hamon ng KMP
HINAMON ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) si presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tuparin ang pangakong P20 na presyo ng bigas. Nangangamba ang KMP na baka kasama ito sa mga mga “imposibleng pangako” ni Marcos Jr kaya dapat ihayag ng presumptive president kung paano niya ito gagawin at ano ang malinaw […]