PBBM prayoridad ang pagbabalik bansa ng Pinay drug mule convict
- Published on December 18, 2024
- by @peoplesbalita
TUMANGGI muna magbigay ng pahayag ang Palasyo ng Malakanyang kaugnay sa “Pardon” na posibleng ibibigay sa Pinay drug mule convict na si Mary Jane Veloso.
Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin na sa ngayon ang prayoridad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ay ang pagbabalik sa bansa ni Veloso na nakakulong sa bansang Indonesia.
Sinabi ni Bersamin wala pa silang masabi hinggil sa posibleng pardon na ibibigay ng Pangulong Marcos.
“ Nothing to say yet on what may happen. The priority of PBBM is to have Veloso repatriated without delay,” mensahe ni ES Bersamin.
Una ng inihayag ng Department of Foreign Affairs na bukas nakatakdang dumating sa bansa si Veloso.
Ayon kay Foreign Affairs USec. Tess Lazaro, alas-12:50 ng madaling araw ng Miyerkules ang flight ni Veloso at bandang alas-6:00 ng umaga ito darating ng bansa.
Lubos naman nagpasalamat ang Pilipinas sa Indonesia hinggil sa pagpayag nito na ibigay ang kustodiya ni Veloso sa Pilipinas.
Sinabi ni Bersamin ang pagbabalik bansa ni Veloso ay bunga ng dekada ng pag-uusap, konsultasyon at diplomasiya.
Dagdag pa ni Bersamin ikinagagalak ng Marcos administration ang pagbabalik bansa ni Mary Jane. (Daris Jose)
-
6 timbog sa pagbebenta ng pekeng health vaccination card
Arestado ng mga tauhan ng District Special Operation Unit (DSOU) ng Northern Police District (NPD) ang anim katao matapos salakayin ang isang establisyimento na gumagawa umano ng pekeng COVID-19 vaccination cards sa C.M. Recto, Manila, kamakalawa ng gabi. Ayon kay NPD Director P/BGen. Jose Santiago Hidalgo, Jr. isinagawa ang raid ng mga operatiba […]
-
Vendor itinumba sa loob ng palengke sa Malabon
TODAS ang isang vendor matapos barilin ng dalawang hindi kilalang mga suspek sa kanyang stall sa loob ng palengke sa Malabon City, kahapon ng madaling araw. Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong tama ng bala sa ulo ang biktimang si Michael De Ocampo, 48 at residente ng No. 31 S. Pascual St., Brgy. San Agustin. […]
-
US-based firm, nangako na dadagdagan pa ang pamumuhunan sa Pilipinas
NANGAKO ang Cerberus Global Investment LLC na nakabase sa US ng dagdag na pamumuhunan at pagpapalawak sa Pilipinas, ayon yan sa Malacanang. Sa paglitaw mula sa isang pulong sa mga nangungunang executive ng kumpanya, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang karagdagang pamumuhunan sa paggawa ng barko ay magbibigay-daan sa bansa na mabawi […]