• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM pumalag: Anti wang-wang policy, iba kay PNoy

PINALAGAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagkukumpara sa pagitan ng kanyang anti-wang-wang policy at kay dating Pangulong Benigno Aquino III, nagpatupad ng kahalintulad na kautusan noong panahon ng kanyang termino.

 

 

Nilinaw ni Pangulong Marcos na ang kamakailan lamang na nilagdaan niyang Executive Order No. 56 ay hindi lamang para sa pagbabawal ng paggamit ng wang-wang.

 

 

“It’s about really the number of [low-numbered o protocol license] plates na binawasan namin ,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

Inaasahan ng EO 56 na mapipigilan ang pag-aabuso at mapapahusay naman ang transparency sa pamamagitan ng pinahigpit na regulasyonn sa pagpapalabas ng special plates na ibinigay sa mga opisyal ng pamahalaan.

 

 

Ipinalabas ang EO sa gitna ng tumataas na public concern sa paglaganap ng protocol plates, nagkakaloob ng special privileges sa mga sasakyan sa lansangan kabilang na ang exemption mula sa number coding scheme.

 

 

“This executive order aims to promote a more transparent and accountable system for the issuance of protocol license plates,” ang nakasaad sa kautusan sabay sabing “It ensures these privileges are used appropriately by a designated group of officials for legitimate purposes.”

 

 

“So that’s what really, that’s what it is about. So this is not about the wangwang, that’s a very small part of it. What it really is, is to impose discipline,” ang pahayag ng Pangulo.

 

 

Ipinalabas din ng Pangulo ang Administrative Order No. 18, nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong Marso 25.

 

 

“All government officials and personnel are prohibited from utilizing sirens, blinkers and other similar gadgets that produce exceptionally loud or startling sound, including dome lights, blinkers, or other similar signaling or flashing devices,” ang mababasa sa kautusan.

 

 

Dahil sa kautusan, exempted ang opisyal na sasakyan ng Armed Forces of the Philippines (AFP), National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) at maging ang mga track ng bumbero, hospital ambulances at iba pang emergency vehicles.

 

 

Matatandaang, inanunsyo ni dating Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang presidential inaugural address noong 2010 ang polisiya laban sa paggamit ng wang-wang, sinasabing pagpapakita kasi ito ng “entitlement at the expense of ordinary Filipinos.”

 

 

Nagpatupad din noon ang kanyang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., ng kahalintulad na pagbabawal noong martial law years. (Daris Jose)

Other News
  • Kaya waging Scariest Costume sa ‘The Sparkle Spell’: MIGUEL, pinapangit at nagmukhang weird pero labas pa rin ang kaguwapuhan

    ISA si Kokoy de Santos sa mga artista na marunong magpahalaga sa kanyang mga fans o supporter o tagahanga.     “Mahal ko talaga sila,” bulalas ng guwapong Sparkle artist.     “Kasi bilang ako nga fan din ako, marami rin akong hinahangaan and yung feeling na pag napapansin ako ng hinahangaan ko parang ano […]

  • ‘Paniniktik’ sa Pinas simula pa 2016 – Chinese spy

    IBINUNYAG ng Chinese ‘spy’ na si She Zhijiang na taong 2016 pa nagsimula ang ‘paniniktik’ nila sa Pilipinas kung saan nakatrabaho niya si dating Bamban mayor Alice Guo.   Sa pahayag ni She sa Al Jazeera documentary, sinabi nito na nagkakaso siya sa China at pinaaresto sa kasong illegal gambling. Pinangakuan siya ng kanyang recruiter […]

  • Peace covenant sa halalan, nilagdaan ng mga kandidato sa Basilan, Sulu at Tawi-tawi

    LUMAGDA sa isang peace covenant ang mga kandidato sa Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi, na isinagawa sa Basilan State College, Isabela City, Basilan nitong Sabado.     Ayon kay Atty. Ray Sumalipao, Regional Election Director ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), ang peace covenant ay para sa sure, accurate, and free and fair elections […]