• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM sa DA: Streamline processes to lower prices

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Department of Agriculture (DA) na i-promote ang madaling pagnenegosyo sa bansa base sa kanilang pamamaraan partikular na ang pag-alias sa non-tariff barriers sa importasyon ng agricultural products, para maibaba ang presyo at tiyakin ang suplay.
Inihayag ito ni Pangulo sa Administrative Order (AO) No. 20 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong Abril 18, na kagyat na naging epektibo.
Sa kanyang AO, binigyang-diin ng Pangulo na ang “administrative constraints at non-tariff barriers” ang dahilan ng patuloy na pagtaas ng domestic prices ng agricultural commodities sa kabila ng umiiral na hakbang.
Idinagdag pa nito na mahalaga para sa DA na magsagawa ng hakbang na naglalayong i- streamline ang “administrative procedures at policies” sa importasyon ng agricultural products, at maging ang pag-alis ng non-tariff barriers para tugunan ang tumataas na domestic prices ng agricultural commodities.
Ang Non-tariff barriers ay policy measures, bukod pa sa customs tariff, na higpitan ang kalakalan kabilang na ang subalit hindi limitado sa quota, pag-angkat ng licensing systems, regulasyon at red tape.
“It is imperative to further streamline administrative procedures to foster transparency and predictability of policies on the importation of agricultural products in order to help ensure food security, maintain sufficient supply of agricultural goods in the domestic market, and improve local production,” ayon kay Pangulong Marcos.
Ipinag-utos din ng Pangulo sa DA na makipagtulungan sa Department of Trade and Industry (DTI) o sa Department of Finance (DOF) na i- streamline ang ‘procedures at requirements’ sa paglilisensiya sa mga importers, bawasan ang processing time ng aplikasyon para sa importasyon at pag-exempt sa licensed trades mula sa pagsusumite ng registration requirements.
Ang DA,kasunod ng konsultasyon sa National Economic and Development Authority (NEDA) Committee on Tariff and Related Matters, ay inatasan na bilisan ang importasyon ng ilang agricultural products sa labas ng authorized MAV at bawasan o alsin ang administrative fees.
Ipinag-utos din ng Chief Executive sa DA na i-streamline ang pamamaraan at requirements para sa pagpapalabas ng Sanitary and Phytosanitary Import Clearance (SPSIC), at gumawa ng konkretong hakbang para mapahusay ang “logistics, transport, distribution, at storage ng imported agricultural products.”
Samantala, binigyan naman ng mandato ang Bureau of Customs (BOC) na i-prayoridad ang “unloading at releasing imported agricultural products” subject ito sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), at iba pantg applicable laws, rules, and regulations ng burukrasya.
Ipinag-utos din ng Punong Ehekutibo sa DA, DTI, BOC, Philippine Competition Commission, Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Justice (DOJ), National Bureau of Investigation (NBI), at Philippine National Police (PNP) na bumuo ng “Surveillance Team” na pangungunahan ng Agriculture Department upang tiyakin ang epektibo at episyenteng implementasyon ng AO.
Ang Surveillance Team ay may tungkulin na i-monitor ang importasyon at distribusyon ng agricultural products at pigilan ang illegal price manipulation acts at iba pang hindi patas na anti-competitive commercial practices, bukod sa iba pa.
Ang DA, DTI, DOF, BOC, at Sugar Regulatory Administration (SRA) ay inatasan na sama-samang magsumite ng quarterly report sa kalagayan ng implementasyon ng AO sa Pangulo sa pamamagitan ng Office of the Executive Secretary at Inter-Agency Committee on Inflation and Market Outlook (IAC-IMO).
Ang IAC-IMO, itinatag sa pamamagitan ng Executive Order No. 28 (series of 2023), ay isang advisory body ng Economic Development Group sa hakbang na magpapanatili sa inflation, partikular na sa pagkain at enerhiya sa loob ng inflation targets ng gobyerno. (Daris Jose)
Other News
  • COVID TELEMEDICINE INILUNSAD SA KYUSI

    INILUNSAD ng Quezon City government ang kauna- unahang COVID-focused Telemedicine.   Sinabi ni  QC Mayor Joy Belmonte  na naisagawa ang proyekto sa pakikipagtulungan ng Department of Health (DOH).   Nasa 15 na laptop at desktop ang ibinigay ng DOH  upang magamit sa HOPE Facilities at health centers.   Sa pamamagitan nito, mababawasan nang magkaroon ng direct contact ang […]

  • ‘No vax, no ride’ tatanggalin sa Alert Level 2

    TINIYAK ng Malacañang na tatanggalin ang “No Vaccine, No Ride” policy na ipinatutupad sa National Capital Region sa sanda­ling ibaba sa Alert Level 2 ang NCR.     Ginawa ni Cabinet Secretary Karlo Nograles ang pahayag sa gitna ng mga panawagan na ibaba sa Alert Level 2 ang NCR dahil sa patuloy na pagbaba ng […]

  • Aryna Sabalenka champion ng Women’s Australian Open

    Abot-langit pa rin ang kasiyahan ni Belarusan tennis star Aryna Sabalenka matapos na magkampeon ito sa Australian Open.   Tinalo niya kasi Elena Rybakina sa score 4-6, 6-3, 6-4 para makuha ang kampeonato.   Umabot sa dalawang oras, 28 minuto ang nasabing laro.   Ito ang unang Grand Slam Final ng fifth seed na si […]