• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM sa DBM: Agad na ilabas ang pondo para sa relief ops

INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Budget and Management (DBM) na kagyat na ilabas ang pondo para sa relief operations kasunod ng pananalasa ng Tropical Storm Kristine.

 

 

“I have ordered the DBM Secretary to immediately release all necessary funds so that needed resources can be procured expeditiously,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa isang kalatas.

 

 

Siniguro rin ng Pangulo ang mabilis na pagkilos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para kaagad na makapagbigay ng relief goods, kapuwa pre-positioned at bagong suplay para madagdagan ang naibigay na ng local government units sa lahat ng mga apektadong lugar.

 

 

Magkakaloob naman ang DSWD ng tulong pinansiyal sa ilalim ng umiiral na government programs.

 

 

Inatasan naman ng Pangulo ang Department of Agriculture (DA) na ipatupad ang ‘quick planting at production turnaround plan’ para tulungan ang mga magsasaka na apektado ng masamang panahon.

 

 

Nauna rito, ipinag-utos naman ng Chief Executive sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na kaagad na magsagawa ng emergency road clearing operations. ( Daris Jose)

Other News
  • Pinay tennis sensation Alex Eala, bigo kaagad sa Australian Open tournament

    Maagang nabigo sa tennis tournament si Alex Eala sa kanyang pro grand slam debut sa Australia Open.   Ang Pinay tennis sensation na si Eala, ay nabigo ng kanyang kontra katunggali na si Misako Doi ng Japan sa qualifying match na tumagal ng 2 oras at 37 minuto.   Sa pagkapanalo ng Japan, makakaharap ni […]

  • DOH: 8,764 healthcare workers infected; 58 patay sa COVID-19

    Aabot na sa 8,764 ang bilang ng mga health care workers sa Pilipinas ang tinamaan ng COVID-19, ayon sa Department of Health (DOH).   Batay sa data ng ahensya, as of September 16, mayroon nang 8,068 na ang gumaling at 58 ang namatay na, mula sa nasabing total.   Ang mga active cases o nagpapagaling […]

  • BI, SUSUNOD SA 60% WORK CAPACITY

    TATALIMA ang Bureau of Immigration (BI) sa 60% on-site work capacity mula January 3 hanggang 15.     Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente, it’y bilang pagsunod sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) kung saan inilagay ang National Capital Region (NCR) sa Alert Level 3.     […]