PBBM sa kanyang political allies : Teamwork key to a prosperous PH
- Published on September 27, 2024
- by @peoplesbalita
BINIGYANG-DIIN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Huwebes ang kahalagahan ng pagkakaisa sa pagitan ng mga political leaders para makamit ang mas masagana at progresibong Pilipinas.
“Hindi pangkaraniwan ang pagtitipon ngayon dahil ito ay pagkakataon para ipakita natin ang kahalagahan ng pagsasama-sama at ng pagkakaisa. Para sa kaunlaran… Para sa pagbabago… Para sa magandang kinabukasan nating lahat,” ang bahagi ng naging talumpati ni Pangulong Marcos sa isinagawang Alyansa Para sa Bagong Pilipinas Convention 2024 sa Pasay City.
“A great public servant stands up for the interest, welfare, and rights of every Filipino, and must also be humane, God-fearing, and patriotic,” ang winika ng Pangulo.
Sa nasabing event, itinatag ng Pangulo ang isang Alyansa kasama ang mga piling public servants para ayusin ang buhay ng mga Filipino. Ang mga ito ay sina Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos; Makati Mayor Abby Binay; Sen. Pia Cayetano; former senator Panfilo “Ping” Lacson; Sen. Lito Lapid; at Sen. Imee Marcos. Kasama rin sina dating senador at boxing legend Manny Pacquiao; Sen. Ramon “Bong” Revilla; dating Senate president Vicente “Tito” Sotto; Sen. Francis Tolentino; ACT-CIS party list Rep. Erwin Tulfo; at Deputy Speaker Las Piñas Rep Camille Villar.
“Sa kanilang kalidad at karanasan mataas ang aking kumpyansa na sila ay ating magiging katuwang sa ating pagsulong at sa patuloy na pag-unlad ng ating bansa. Atin po sila samahan at suportahan,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
Samantala, sinaksihan din ng Chief Executive ang paglagda sa manipesto ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas kasama ang mga party leader ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP), Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD), Nationalist People’s Coalition (NPC), National Unity Party (NUP), at Nacionalista Party (NP).
Ang Manifesto ay kumakatawan sa muling pagpapatibay ng mga Partido sa kanilang commitment sa pananaw ng Pangulo na magtayo ng mas maunlad, mapayapa at ingklusibong Pilipinas, naka-angkla sa prinsipyo ng ‘good governance, social justice, at economic progress. ( Daris Jose)
-
DND, pinalagan ang pahayag ng China na ginagatungan ng Pinas ang tensyon sa Taiwan
PINALAGAN ng Department of National Defense (DND) ang naging pahayag ni Chinese Ambassador Huang Xilian na ginagatungan ng Pilipinas ang geopolitical tensions sa pamamagitan ng pag-alok sa Estados Unidos ng military bases nito malapit sa Taiwan. “The Department of National Defense takes exception to the statement of Chinese Ambassador to the Philippines Huang […]
-
Women’s softball team kauna-unahang koponan na nasa Japan
Nauna ang women’s softball team ng Australia na mga international athletes na dumating sa Japan para sa Olympics. Dadalo muna sa training camp sa Ota City ang koponan bago lumipat sa Athletes’ Village sa Tokyo sa Hulyo 17. Lahat aniya ng mga miyembro nito ay naturukan na ng COVID-19 vaccine at […]
-
Hindi pagibibigay ng 13th month pay, insulto
INSULTO at hindi makatarungan para sa mga manggagawa ang hindi pagbibigay ng 13th month pay, ayon sa Caritas Philippines. Ito ang binigyan diin ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo National director ng Caritas Philippines hinggil sa mungkahing pagpapaantala ng pagbibigay ng dapat na benepisyo sa mga kawani na nasaad din sa saligang batas ng […]