PBBM, sa kondisyon ng Pinas: ‘Dumating na ang Bagong Pilipinas’
- Published on July 26, 2023
- by @peoplesbalita
Ito ang kumpiyansang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang pangalawang State Of the Nation Address (SONA) sa Batasang Pambansa sa Lungsod ng Quezon.
Ayon sa Pangulo, ang kalagayan ng bansa ay matatag at mabuti at ang bagong Pilipinas ay dumating na.
Tinuran ng Pangulo na ang kanyang kumpiyansa ay “further buoyed by the world-class Filipino workforce’s demonstration of love for their homeland.”
“Every Filipino has unanimously risen to the challenge that we have made to them to be part of the nation’s future. Handa silang maghandog ng tulong, dahil mahal nila ang kanilang kapwa-Pilipino, at mahal nila ang Pilipinas,” ang pahayag ng Pangulo.
“With this in my heart, I know that the state of the nation is sound, and is improving. Dumating na po ang Bagong Pilipinas,” aniya pa rin.
Sa nakalipas na taon, ang malaman ang presensiya ng napakalaking bilang ng “highly competent at dedicated workers” na nagsisilbi sa pamahalaan ay sinasabing “source of great hope and optimism” para sa kanya.
Idagdag pa rito, bahala na aniya ang burukrasya na magbigay sa kanila ng mabuting pamumuno at patnubay.
“They love the Philippines, and have responded to our call,” ayon kay Pangulong Marcos.
Ang pangalawang SONA ng Pangulo ay nakatuon sa mga accomplishments ng administrasyon sa iba’t ibang aspeto gaya ng ekonomiya, infrastructure development, agriculture, peace and order, tursimo, enerhiya, Mindanao peace efforts at marami pang iba.
Inisa-isa rin ng Pangulo ang mga plano na nais ng kanyang gobyerno na bitbitin sa hinaharap para panatilihin ang development ng bansa. (Daris Jose)
Other News
-
Ads February 1, 2023
-
Perez, Tautuaa puntirya Tokyo Olympic Games
PANANATILIHIN ng Philippine Basketball Association sina San Miguel Beer stars Christian Jaymar ‘CJ’ Perez at Moala ‘Mo’ Tautuaa at pro league aspirants sina Joshua Munzon at Alvin Pasaol bilang Gilas Pilipinas 3×3 national men’s team members. Ito ay kahit na maging mga top virtual 36th PBA Draft 2021 aspirants sina Munzon at Pasaol, nabatid […]
-
MORISETTE, nag-iisang choice para i-revive ang iconic song na ‘Shine’ na pinasikat ni REGINE
KASABAY ng celebration ng 10th year niya sa showbiz ni Morisette ay ang silver anniversary naman ng awiting “Shine” na composition ni Trina Belamide na second prize winner sa Metropop in 1996. Si Mori ang napili nina Trina at Jonathan Manalo, creative manager ng Star Music, para mag-record ng bagong version ng “Shine” for […]