• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM sa mga Dam Operators: Release water ahead of heavy rains to mitigate flooding

IPINAG-UTOS ni Pangulong President Ferdinand R. Marcos Jr. , araw ng Miyerkules, sa mga dam operators na dahan-dahang pakawalan ang tubig bago pa ang inaasahan na malakas na pag-ulan dala ng bagyo.

 

Hangad ng Pangulo ang maagang paggalaw para matulungan at protektahan ang mga Filipino mula sa epekto ng Tropical Storm ‘Kristine’,
“This would prevent dams from reaching their full capacity, thus reducing the need for bulk release of excess water that could adversely affect Filipinos in downstream communities,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

“Maybe what we can do is do a measured response. Kahit hindi pa high water level, magbitaw na tayo nang kaunti. Pababain na natin na hindi apektado ‘yung mga downstream communities,” aniya pa rin.

 

Nauna rito, pinangunahan ni Pangulong Marcos ang situation briefing para i-assess ang epekto ng Tropical Storm Kristine sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) headquarters sa Quezon City.

 

Sa kabilang dako, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), may ilang dams ang unti-unti nang nagpakawala na tubig mula sa kani-kanilang reservoir, Miyerkules ng umaga. Kabilang na rito ang mga dam ng Magat, Binga, at San Roque.

 

Miyerkules ng umaga, Oktubre 23, kabilang sa mga lalawigan na nasa ilalim ng Storm Signal No. 2 ay ang Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, mainland Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Aurora, Nueva Ecija, Bulacan, Tarlac, Pampanga, Zambales, hilaga at Silangan bahagi ng Quezon kabilang ang Polillo Islands, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, at northeastern hilagang-silangang bahagi ng Sorsogon.

 

Samantala, nakataas naman ang Signal No. 1 sa Batanes, Babuyan Islands, Bataan, Metro Manila, Rizal, Cavite, Laguna, Batangas, the rest of Quezon, Occidental Mindoro including Lubang Islands, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, Calamian Islands, Sorsogon, at Masbate.

 

Inaasahan naman na tatama ang Tropical Storm Kristine sa Isabela, gabi o umaga ng araw ng Huwebes.

 

(Daris Jose)

Other News
  • Gobyerno, ginagawa ang lahat para matiyak ang maayos na daloy ng trapiko sa toll roads sa Pinas

    TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa publiko na ipinatutupad na ng Department of Transportation (DOTr) at Toll Regulatory Board (TRB) ang lahat ng mga hakbang para mabawasan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko at tiyakin ang maayos na byahe sa toll roads sa bansa sa panahon ng holiday season.     Pinangunahan ni […]

  • PBBM, binalaan ang mga smuggler at hoarder

    BILANG na ang mga araw ng mga smuggler at hoarder na ‘yan.”  Ito ang binitiwang pangako ni  Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang pangalawang State Of the Nation Address (SONA) sa Batasang Pambansa, Lungsod ng Quezon. Iginiit nito na hahabulin at ihahabla ng gobyerno ang mga agricultural smugglers at hoarders. Para sa Pangulo, mga manloloko […]

  • Ancajas wagi matapos ma-disqualified ang nakalabang Thai boxer

    NAGWAGI sa kanyang comeback fight si Jerwin Ancajas matapos na ma-disqualified ang kalaban nitong si Sukpraserd Ponpitak ng Thailand.     Itinigil na kasi ng referee sa ikalimang round sa loob ng 2:34 ng itulak ni Pontipak si Ancajas sa laban na ginanap sa lungsod ng Mandaluyong     Sa mga unang round kasi ay […]