PBBM, sa mga mamamayang Filipino: Time to heal, reflect on one’s mortality
- Published on November 2, 2022
- by @peoplesbalita
UMAASA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang pag-alala sa mga Santo at namayapang mahal sa buhay ay makatutulong sa Filipino na makayanan ang paghihirap at pagkabalisa.
Sa naging mensahe ng Pangulo ngayong All Saints’ Day at All Souls’ Day, sinabi ni Pangulong Marcos na ang Covid-19 pandemic ang dahilan ng mga ito ng “come to terms with mortality”.
“It taught us to number our days as we realize the uncertainty of our time on Earth. It made us contemplate what it truly means to live a meaningful life and to die free of regrets and at peace with oneself,” ayon sa Pangulo.
Tinawagan naman ng pansin ng Pangulo ang lahat na maghanap ng lesson o aral na magreresulta ng kalunasan.
“As we gain momentum towards complete recovery, I pray that our efforts to remember the saints and our late loved ones will bring healing to our hearts,” ayon kay Pangulong Marcos sabay sabing “May it likewise reinforce the foundations of our faith and compel us to live with genuine love and compassion in all of our days.”
Ang dalawang nabanggit na holidays ay nagsisilbing reminder o paalala “to strive, live Christ-centered lives, and fulfill our life’s purpose until we meet our Creator,” ayon sa Pangulo. (Daris Jose)
-
PSC chair Noli Eala inilatag ang mga pagbabagong gagawin sa ahensiya
IBINAHAGI ng bagong talagang chairman ng Philippine Sports Commission (PSC) Noli Eala ang mga programa niya para sa nasabing ahensiya. Matapos ang pagtalaga sa kaniya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ay tiniyak nito na magkakaroon ang PSC ng pangmatagalang programa na ikakatagumpay ng mga atleta. Palalakasin din ito ang inisyatibo sa […]
-
Ngayong buntis at ‘di na puwedeng mag-diet: KRIS, siguradong titigilan na ng mga bashers at body shamers
TITIGILAN na siguro ng mga bashers at body shamers si Kris Bernal ngayon dahil kinumpirma nito na buntis siya sa first baby nila ni Perry Choi. Ibinahagi ni Kris ang magandang balita via social media at bongga ang announcement nila ng asawa dahil ginastusan pa nila ang concept ng pregnancy reveal. […]
-
Sa pinakikita nina DEREK at ELLEN, mukhang may ‘something’ na talaga kahit maraming against
MUKHANG may ‘something’ na talaga between Derek Ramsay at Ellen Adarna. Ito na ang nakikita at halos pinaniniwalaan ng mga netizens. Hindi masisisi nina Derek at Ellen ang netizens kahit pa “The Unbothered” ang tag sa kanila dahil sa mga ipino-post din naman nilang larawan na napaka-cozy sa isa’t-isa. Nandiyang tila […]