• January 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, sa usapan ukol sa pagtanggap ng Afghans sa Pinas: May progreso pero may balakid

SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mayroon ng progreso sa isinagawang pag-uusap ukol sa kung papayagan ng pamahalaan na pansamantalang manatili sa Pilipinas ang mga  Afghan nationals gaya ng naging kahilingan ng Estados Unidos.

 

 

Sinabi ng Pangulo na walang deadline sa pagdesisyon sa usaping ito.

 

 

Aniya, nagpapatuloy ang konsultasyon sa mga Amerikano.

 

 

“Well, we have not given ourselves a deadline. What we are talking about is that we’re trying to see what are the problems, what are the issues arising and in so doing,  we are trying to find ways to remedy those issues that we feel are something that we have to deal with,” ayon sa Pangulo.

 

 

“We have made some progress but there’s still some major obstacles to us being able to do it. But we continue to consult with our friends in the United States,” dagdag na pahayag ni Pangulong Marcos.

 

 

Tinuran ng Chief Executive,  na nais niyang ipakita ang “instinct of hospitability” ng mga Filipino, gayunman, ang  “specific request” na ito ng Estados Unidos ay komplikado lalo pa’t mayroong political at security concerns.

 

 

“In a way, I would like to manifest the Filipino instinct of hospitability and as you know, many times have happened that there have been world situations around the world and may nagkakarefugee, hindi tinatatnggap, kahit saan tayo tinatanggap natin, hindi tayo kinakalimutan ng mga tinulungan natin. Ganyan talaga ang ugali ng Pinoy,” ayon sa Punong Ehekutibo.

 

 

“Ngunit ito ibang usapan to kasi may halong politika, may halong security, so medyo mas kumplikado ito [But this one has political, security issues … so it is more complicated] so we’ll look at it very very well before making a decision,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)

Other News
  • ‘Venom: Let There be Carnage’, Getting Delayed Once Again To a 2022 Release Date

    Venom: Let There be Carnage has reportedly been delayed to a 2022 release date.     The sequel to 2018’s Venom, which was a huge success at the box office despite poor reviews, Let There Be Carnage will see Tom Hardy return as the symbiote-afflicted Eddie Brock, this time facing off against Woody Harrelson’s Cletus Kasady/Carnage. Venom 2 also stars Michelle Williams, Naomie Harris, Reid […]

  • Pdu30, nakipagkita kay Cayetano matapos na mag-alok ito na magbitiw bilang House Speaker

    NAKIPAGKITA at nakipagpulong si Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano , araw ng Miyerkules, ilang oras matapos mag-alok ang huli na magbitiw sa kanyang pwesto bilang House Speaker.   Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, kasama sa meeting ng Pangulo ang asawa ni Cayetano na si Lani at ang kapatid nitong […]

  • EDSA Busway at MRT 3 patuloy ang maayos na operasyon

    Sa kabila ng naiulat na pagbigat ng daloy ng trapiko sa kahabaan ng EDSA simula ng mga nakaraang Linggo, nananatili pa ring maayos ang operasyon ng EDSA Busway at MRT-3.   Simula nang pansamantalang itigil ang Libreng Sakay sa ilalim ng Service Contracting Program, tinatayang nasa mahigit 100,000 pa rin ang naitatalang average ridership ng […]