Pdu30, nakipagkita kay Cayetano matapos na mag-alok ito na magbitiw bilang House Speaker
- Published on October 3, 2020
- by @peoplesbalita
NAKIPAGKITA at nakipagpulong si Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano , araw ng Miyerkules, ilang oras matapos mag-alok ang huli na magbitiw sa kanyang pwesto bilang House Speaker.
Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, kasama sa meeting ng Pangulo ang asawa ni Cayetano na si Lani at ang kapatid nitong si Senador Pia Cayetano.
Kasama rin sa meeting si Rep. Eddie Villanueva, isang religious leader, para i-pray over si Pangulong Duterte.
Ayon kay Sec. Roque, naniniwala si Pangulong Duterte na ang speakership issue ay tapos na.
Binigyang-diin nito ang pangangailangan na maipasa ang 2021 budget sa takdang oras.
Hindi naman idinetalye ni Sec. Roque kung ano ang napag-usapan sa meeting.
Nauna rito, pumagitna kasi ang Pangulo kina Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco sa usapin ng term-sharing dahil siya ang nasa likod ng kasunduan o term-sharing agreement, na ngayon ay ayaw na sundin ng mga kaalyado ni Cayetano.
“Nirerespeto ng Presidente ang desisyon ng mga mambabatas because this is a purely internal matter,” giit ni Sec. Roque.
Sa ilalim ng kasunduan, uupuan ni Cayetano ang speakership post ng 15 buwan simula ng 18th Congress noong Hulyo ng nakaraang taon.
Pagkatapos nito ay iti-take over naman ni Velasco para magsilbi bilang House Speaker ng 21 buwan. (Daris Jose)
-
‘Gameboys’ nina ELIJAH at KOKOY, nominated sa ‘2021 International Emmy Awards’
NOMINATED sa 2021 International Emmy Awards ang acclaimed Boys’ Love series na Gameboys na pinagbidahan nina Elijah Canlas at Kokoy De Santos. In-announce ito ng IdeaFirst Company, ang creator of Gameboys, sa pamamagitan ng Instagram and Twitter pages noong Sept. 8. May caption ito na, “Congratulations team Gameboys! International Emmy Awards […]
-
Ads April 19, 2022
-
GOVT SERVICES SA NAVOTAS MAAARING ISARA
Dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19, inihayag ni Mayor Toby Tiangco na maaari pansamantalang ipa-shutdown muna ang government services sa lungsod. Aniya, lima sa 18 barangay halls na kinabibilangan ng San Jose, Bangkulasi, San Rafael Village, North Bay Boulevard North, at North Bay Boulevard South-Proper ang pansamantalang naka-lockdown para […]