PBBM, sesertipikahan bilang ‘urgent’ ang rice tariffication law
- Published on May 8, 2024
- by @peoplesbalita
SINABI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Lunes na sesertipikahan niya bilang ‘urgent’ ang panukalang amyendahan ang Republic Act No. 11203 o ang rice tariffication law (RTL) para mas maibaba ang presyo ng bigas sa bansa.
“Yes, I think it justifies the urgent certification,” ang pahayag ng Pangulo sa isang media interview kasunod ng kanyang pagdalo sa 2024 GOOCs’ Day at the Philippine International Convention Center sa Pasay City.
“Ang problema kasi kaya tumataas ang presyo ng bigas dahil ang mga trader ay nagko-compete. Pataasan sila ng presyuhan sa pagbili ng [bigas] at wala tayong control doon,” ayon sa Pangulo.
Aniya pa, maaaring impluwensiyahan o kontrolin ng gobyerno ang presyo ng bigas kung masisimulan ang pag-amyenda sa rice tariffication law partikular na sa pagbili ng palay at pagbebenta ng bigas sa publiko.
Samantala, itinutulak ni House Speaker Martin Romualdez ang pag-amyenda RTL para payagan ang National Food Authority (NFA) na magbenta ng bigas sa merkado.
Ang presyo aniya ay maaaring bumaba ng P10 hanggang P15 o P30 kada kilo kapag na amyendahan na ang RTL, sabay sabing prayoridad ng Pangulo na gawing matatag ang presyo ng bigas.
Isinaisip na ibaba ang presto ng bigas, pinahihintulutan ng RTL ang unlimited entry ng imported rice sa bansa. Pinagbabawalan nito ang NFA na bumili at magbenta ng bigas at ilimita ang mandato ng ahensiya na pangasiwaan ang buffer rice stocks. (Daris Jose)
-
Ads August 12, 2024
-
Mahigit kalahating bilyong kita sa bigas, inaasahan – NFA
Tinataya ng National Food Authority (NFA) ang mahigit sa kalahating bilyong kita mula sa mga naibenta nitong bigas ngayong 2024. Yan ay makaraang aprubahan ng NFA council ang price hike na P38 kada kilo ng bigas na ibinibenta sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at iba pang ahensya ng gobyerno. […]
-
CBCP, ikinatuwa ang pag-OK ng IATF sa dagdag na pwedeng dumalo sa misa
Patuloy pa rin ang panawagan ng ilang opisyal ng Simbahang Katolika sa mga mananampalataya na sundin pa rin ang ipinapatupad na minimum health protocols kapag dumadalo sa mga misa. Ito ay kahit na ginawang 50 percent na ng gobyerno ang kapasidad ng mga dadalo sa bawat misa simula Pebrero 15. Sinabi […]