• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM sinabing mahalaga ang tiwala para makamit ang peace and stability sa Asya

NANINIWALA si Marcos Jr., na ang pagtitiwala ang siyang basehan para makamit ang peace and stability sa rehiyon, partikular sa gawa hindi sa salita.

 

 

Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa kaniyang intervention sa 50th ASEAN-Japan Commemorative Summit sa kabila ng mga naiulat na paglabag sa international laws sa geopolitical environment sa Asya.

 

 

Binigyang-diin din ng Chief Executive ang intercontinental ballistic missile tests na ginawa ng Democratic People’s Republic of Korea at ang unilateral actions sa East and South China Sea na nagbabanta sa peace and stability ng rehiyon.

 

 

“We cannot overemphasize that trust is the basis of peace, a trust based on deeds and not merely words, especially in a geopolitical environment increasingly characterized by disruptions, by violation to the international rule of law, as we face common yet complex challenges together,” pahayag ni Pang. Marcos Jr.

 

 

Dagdag pa ng Pangulo mahalaga na matugunan ang karahasan at ang kalagayan ng mga tao sa Myanmar.

 

 

“While the seat beside us remains empty, Myanmar remains a member of ASEAN and, as a family, we should be ready to help in alleviating the situation through the Five Point Consensus, the United Nations mechanisms, as well as the [ASEAN Coordinating Centre for Humanitarian Assistance on Disaster Management or] AHA Center,” dagdag pa ng Pang. Marcos.

 

 

Samantala, nanawagan din ang Pangulo sa mga ASEAN member countries na ipagpatuloy ang partnership para sa kapaligiran habang tinutugunan ang mga banta sa kapayapaan.

 

 

Malugod ding tinatanggap ng Pilipinas ang inisyatibo ng Japan na magagawa ng Asia Zero Emission Community Summit sa Lunes.

 

 

Nagpahayag din ng suporta ang Pangulong Marcos sa pagpapatibay sa Joint Vision Statement sa ASEAN-Japan Friendship and Cooperation. (Daris Jose)

Other News
  • Pacquiao tutulak na sa Amerika

    Tutulak na pa-Amerika si eight-division world champion Manny Pacquiao sa susunod na linggo upang ipagpatuloy ang pukpukang ensayo sa Wild Card Gym sa Hollywood, California.     Nakatakdang umalis si Pacquiao sa Hulyo 3 para makasama sina Hall of Famer Freddie Roach at strength and conditioning expert Justine Fortune sa training camp doon.     […]

  • Nic Cage’s Upcoming Dracula Movie Makes The Vampire A “Sh*tty Boss”

    NICOLAS Cage’s Dracula movie, Renfield, reimagines the iconic vampire as a “sh*tty boss,” says director Chris McKay.     The upcoming horror-comedy boasts an intriguing team of creatives that includes Chris McKay (The Tomorrow War, The LEGO Batman Movie) at the helm with a script by Rick & Morty’s Ryan Ridley based on an original […]

  • DTI, suportado ang muling pagbubukas ng mga gyms sa Kalakhang Maynila sa Setyembre 30

    SINABI ng Department of Trade and Industry (DTI) na suportado nito ang muling pagbubukas ng mga gyms sa Kalakhang Maynila pagkatapos ng Setyembre 30 o kahit pa manatili ang rehiyon sa ilalim ng COVID-19 alert 4.   Pinag-aaralan nang mabuti ng technical working group ang panukala ng DTI na lagyan ng cap ang indoor capacity […]