• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, sinertipikahan bilang urgent ang Senate bill na mag-aamiyenda sa gov’t procurement law

SINERTIPIKAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang urgent ang Senate bill na mag-aamiyenda sa Republic Act 9184 o Government Procurement Reform Act (GPRA) .
Sa isang liham na may lagda ni Secretary Lucas Bersamin na may petsang Marso 19 para kay Senate President Juan Miguel Zubiri, binigyang-diin ni Pangulong Marcos ang agarang pangangailangan na aprubahan ang Senate Bill 2593 na naglalayong “to address the tedious and prolonged procedure in the public procurement efficacy.”
Winika pa ng Pangulo na ang SB 2593 ay “remedy the public emergency caused by the gaps in public spending, which hamper the ability of the government to deliver substantial services to the people.”
Sa kanilang dako, binigyan naman ng kopya ng nasabing liham si Speaker Martin Romualdez at Presidential Legislative Liaison Office chief Secretary Mark Llandro Mendoza.
Sa ngayon, naghihintay ang SB 2593 ng Senate approval sa ikalawang pagbasa.
Sa ulat, tIWALA naman si Senator Sonny Angara na ang kanyang isinusulong na pag-amiyenda sa umiiral na Government Procurement Reform Act o GPRA ay magbubunga ng positibong pagbabago sa pagpapatupad ng mga proyekto at purchase of goods and services and supplies at iba pang aktibidad ng gobyerno na nalulusutan ng matinding korapsyon.
“While it was able to institute key reforms in the government procurement process, over time individuals with evil intent have managed to find loopholes to exploit, costing the public billions that could have been spent on more productive endeavors,” ayon kay Angara.
“We have seen agencies whose procurement of basic supplies takes an inordinate amount of time to complete. There is a lack of true competition among bidders, and oftentimes agencies are unable to undertake the procurement of goods due to poor planning or [because they] are tied up by the procedures under the law,” dagdag na wika ng senador.
Ang GPRA na priority measure din ng Legislative-Executive Development Advisory Council o LEDAC ay inaasahang hindi lamang makatutulong na mas mapabillis ang government procurement process, kundi gawing mas mapahusay din ito.
At dahil batid ng kasalukuyang administrasyon ang naglalakihang problema sa public procurement, maging si Pangulong Marcos ay nagpahayag na importanteng amiyendahan na ang GPRA.
Sa kanya ngang State of the Nation Address (SONA) nang nakaraang taon, binigyang-diin ng Pangulo na kinakailangan nang baguhiin ang public procurement upang maibagay na ang implementasyon nito sa kasalukyang panahon para gawing mas epektibo ang serbisyo ng gobyerno.
Kabilang sa mga isinusulong na reporma sa GPRA ay ang pag-aatas sa mga ahensya ng pamahalaan na magkaroon ng maayos na planning at maagang pagpapatupad ng procurement activities.
Isang probisyon na nilalaman ng Most Economically Advantageous Responsive Bid (MEARB) ang tutugon sa mga usapin hinggil sa award criterion na nakalahad sa RA 9184. Lumalabas kasi na dahil napupunta ang award sa lowest bidder, nabibili ng gobyerno ang mga kagamitang mahihina ang kalidad o subpar. Sa pamamagitan ng MEARB, titiyaking hindi lamang makatitipid ang pamahalaan, kundi sisiguruhin ding dekalidad ang mga mabibili nito.
Aatasan sa ilalim ng batas na ito ang Department of Budget and Management na lumikha ng procurement positions sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno, para masiguro na mahuhusay at propesyonal ang mga itatalagang procurement practitioners ng pamahalaan.
“Isinama natin ito para mismong gobyerno ang manguna sa pagsuporta sa mga industriyang Tatak Pinoy upang mas mabilis na maging globally competitive ang mga ito,” ayon kay Angara na principal author at sponsor ng R.A. 11981 o ang Tatak Pinoy Act.
“Tiwala tayo na sa pagsasabatas ng reporma sa GPRA, hindi lamang bibilis ang procurement ng gobyerno, kundi magiging mas epektibo din ito. At sa ganitong paraan, iigting ang kapasidad ng gobyerno para tugunan ang pangangailangan ng sambayanang Pilipino. At kapag lalong gumanda at bumilis ang pag-responde, mas lalalim ang tiwala at magiging panatag ang kalooban ng sambayanan sa ating gobyerno,” saad pa ni Angara. (Daris Jose)
Other News
  • Ads October 23, 2020

  • Mark Caguioa hindi makakasama ng Ginebra sa PBA Philippine Cup

    HINDI makakasama ng Barangay Ginebra sa 2022 Philippine Cup ng PBA si Mark Caguiao.     Kinumpirma ito ng koponan na hindi makakasama ang dating PBA Most Valuable Player sa pagsisimula ng bagong conference sa Hunyo 5.     Sinabi ni Ginebra team governor Alfrancis Chua na may mga aayusin lamang ito subalit hindi na […]

  • NANUMPA sa kanilang katungkulan

    NANUMPA sa kanilang katungkulan ang mga bagong halal na opisyal sa 18 barangay sa Navotas City. Ang mass oathtaking ay binuksan ng isang misa na sinaksihan nina Mayor John Rey Tiangco, Cong. Toby Tiangco, Vice Mayor Tito Sanchez, mga konsehal, at mga department head ng mga tanggapan ng pamahalaang lungsod. (Richard Mesa)