PBBM, sumentro sa ekonomiya ang unang cabinet meeting
- Published on July 7, 2022
- by @peoplesbalita
SUMENTRO sa isyung pang-ekonomiya ang unang cabinet meeting na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Palasyo ng Malacanang.
Sa naturang pulong, si Vice President Sara Duterte-Carpio ang nanguna sa panalangin.
Hiningi ni Marcos sa kanyang economic team ang sitwasyon ng ekonomiya ng bansa, bago tinalakay ang iba pang isyu.
Partikular na tinanong ni Marcos ang mga kalihim ng Department of Finance (DoF), Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at National Economic and Development Authority (NEDA) kaugnay sa general situation sa ating bansa.
Sa harap ito ng panibagong inflation report, paggalaw sa presyo ng mga bilihin, lalo na ang mga produktong petrolyo at ang nananatiling pandemya ng COVID-19.
Ayon kay Marcos, nakasalalay sa economic team ang central policy ng kanyang administrasyon.
Sinabi pa ng chief executive na batid ng lahat na may namumuong krisis sa suplay ng pagkain kung kaya dapat itong agad na matugunan ng magkakatuwang na mga sangay ng pamahalaan. (Daris Jose)
-
8-0 sinakmal ng Lady Bulldogs
PATULOY ang pananalasa ng National University matapos pataubin ang De La Salle University, 25-21, 25-20, 25-17, upang maikonekta ang ikawalong sunod na panalo kagabi sa UAAP Season 84 women’s volleyball tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City. Bumandera sa matikas na kamada ng Lady Bulldogs si wing spiker Princess Robles na […]
-
Heat players Adebayo at Dragic kuwestiyonable pa ring makapaglaro sa Game 4
LABIS pa ring umaasa sina Miami Heat players Bam Adebayo at Goran Dragic na payagan na sila ng kanilang mga team physician na makapaglaro sa Game 4 NBA finals laban sa Los Angeles Lakers. Sa ngayon kasi ay question- able pa rin ang status ni Adebayo dahil sa neck strain habang si Dragic ay […]
-
LTO chief inutusan ang mga licensing centers tapusin mga backlog ng mga driver’s license
Inutusan ni Land Transportation Office chief Jay Art Tugade ang mga licensing centers sa buong bansa na tapusin ang backlog sa pagbibigay ng driver’s license sa katapusan ng buwan sa darating na taon. Naglabas din ang LTO ng memorandum na nagsasaad ng guidelines para sa printing at issuance ng drivers’ licenses upang mabigyan ng solusyon […]