PBBM, suportado ang panukala ng PSAC na magsanay ng mas maraming Pinoy Healthcare
- Published on February 13, 2024
- by @peoplesbalita
SUPORTADO ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panukalang ituloy ang pagsasanay sa mas maraming manggagawang Filipino sa healthcare at information technology (IT) sectors.
Kailangan na i- require sa mga ito na magsilbi ng dalawa hanggang tatlong taon ‘locally’ bago pa payagan ang mga ito na maghanap ng trabaho sa ibang bansa para tugunan ang human capital flight sa mga naturang sektor.
“It’s fine [because] if they find jobs abroad, that’s good for them. But the problem is tayo dito, we lose the talent that we train… that we took through the certification system,” ayon sa Pangulo sa idinaos na 5th meeting kasama ang Private Sector Advisory Council-Jobs Sector Group (PSAC-Jobs) sa Palasyo ng Malakanyang.
“We have to come up with some kind of strategy wherein, let’s say, you provide scholarships and then the scholarship agreement includes that you stay three years. After that then they’re free to go,” aniya pa rin.
Binanggit ng Pangulo ang usapin ng “brain drain” sa healthcare at IT sectors dahil na rin sa parami ng parami ang skilled Filipino workers ang naghahanap ng greener pastures sa ibang bansa, iiwanan ang Pilipinas bitbit ang kakaunting talento para suportahan ang mga industriya.
Tanggap naman ng mga opisyal ng PSAC na ang local labor market para sa mga nabanggit na sektor ay hindi mapapantayan ang malaking sweldo na iniaalok ng mga kompanya at healthcare facilities sa Estado Unidos, UK, Australia at Europa at ang estratehiya ng Pilipinas ay marapat lamang na nakatuon sa ipagpapatuloy ng pagsasanay para sa mga bagong manggagawa.
“I think what we can do is to continue to offer certificate programs and train their skills. I think we can do that. There’s no way for us to retain them,” ayon kay Teresita Sy-Coson of SM Investments Corp, ipinresenta ang panukala sa ngalan ng PSAC Jobs sector.
“Even in the digital, if we train them naman in the cybersecurity or in whatever advanced technology, they’ll also leave. If only we can get them for two years, good enough na rin,” ayon kay Coson.
Ipinanukala rin ng PSAC-Jobs na mas palakasin at pagtibayin ang naunang direktiba ni Pangulong Marcos na iprayoridad ang paglikha ng isang “coordinated game plan” kung saan ang DOH, CHED, DMW at DFA ay maaaring makipag-negotiate sa ibang bansa hinggil sa pag-hire ng mga manggagawang Filipino.
Nauna nang inatasan ni Pangulong Marcos ang DOH, CHED, DMW at DFA na makipagtulungan sa pakikipagnegosasyon sa posisyon na palakasin kasama ang foreign governments kaugnay sa naturang isyu.
Winika ng PSAC na ito’y hakbang para sa tamang direksyon.
Tinuran pa nito na ang human resources ng DOH para sa healthcare master plan ay dapat na suportado, ipnanukala na dapat na iprayoridad ng pamahalaan na makipag-usap sa ibang bansa Canada, US at Australia.
“This includes requiring them to adopt a hospital or a school, invest in them so that they can participate in the country’s labor force and afterwards require the graduates to stay in the Philippines for at least two years before they could seek employment overseas,” ayon sa PSAC.
“Such scheme, could give the country at least some period of time to sustain the country’s supply of workers,” ayon pa rin sa PSAC.
Samantala, sa usapin naman ng employment situation sa bansa, iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ang bilang ng mga ’employed Filipinos’ ay umabot na sa 50.52 million noong December 2023, na may 0.88 million jobs na nalikha simula pa noong November 2023.
Ang unemployment rate ay bumaba naman noong December 2023 sa pinakamababang rate nito simula noong April 2005. (Daris Jose)
-
JULIA, hiyang-hiya sa titulong ‘Princess Royalty of the Century’ dahil sa pressure at mataas ang expectation
‘DRAMA ang ibinigay na title ng Viva Films si Julia Barretto. Nahiya daw si Julia sa title na ibinigay sa kanya. Well, dapat lang naman siyang mahiya kasi hindi siya deserving of such tag. Maski si Julia ay batid na masyadong mataas ang expectation na nakakabit sa nasabing tag. […]
-
Sotto nagningning para sa 36ers
MAS maganda ang inilaro ni Kai Sotto sa kanyang third game sa Adelaide 36ers. Subalit hindi pa rin ito sapat para tulungan ang kanyang tropa matapos lasapin ng Adelaide ang 89-100 kabiguan sa kamay ng Illawarra sa 2021-22 Australia National Basketball League na ginanap sa WIN Entertainment Centre. Nakalikom ang 7-foot-3 […]
-
Senator Bong, tinugon ang pangangailangan ng isang estudyante sa Guimaras
SA kabila ng nararanasan nating pandemya ngayon, hindi hadlang ito sa mga television networks na magbigay sila ng mga programa para sa mga televiewers. Kung maraming na-hook na mga netizens sa panonood ng bagong drama anthology ng GMA Entertainment Group, ang I Can See You, na pilot episode nila ng four weekly series ang […]