PBBM, tatalakayin ang usapin hinggil sa SCS sa ASEAN Summit
- Published on October 5, 2024
- by @peoplesbalita
INAASAHAN na gagamitin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang 44th at 45th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summits and Related Summits sa Vientiane, Laos para talakayin ang ang kamakailan lamang na kaganapan sa South China Sea (SCS).
“Of course, definitely. The President always champions that issue in all of the summits from the very start,” ang sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Office of ASEAN Affairs Assistant Secretary Daniel Espiritu sa press briefing sa Malakanyang.
Tinanong kasi si Espiritu kung babanggitin ni Pangulong Marcos ang isyu ng SCS sa ASEAN summits.
Ang 44th at 45th ASEAN Summits and Related Summits ay Idaraos sa Laos sa Oct. 8-11.
Inaasahan din ani Espiritu na magpapalitan ng pananaw ang mga Southeast Asian leaders ukol sa mahahalagang ‘regional at international issues, lampas sa pinagkasunduan sa mga bagay na may ‘common concern’ at makapagbigay ng policy directions para sa ASEAN community sa hinaharap.
Sinabi pa ni Espiritu, na bibigyang-diin ni Pangulong Marcos ang malakas na commitment nito na panindigan at pagtibayin ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at 2016 Permanent Court of Arbitration (PCA) ruling sa SCS, habang idinedepensa ang teritoryo ng Pilipinas mula sa anumang ‘foreign powers.’
The President will continue to defend the Philippine sovereignty and sovereign rights and jurisdiction, in accordance with international law, including the 1982 UNCLOS and the 2016 arbitral award,” ang sinabi ni Espiritu.
Tinuran pa ni Espiritu na nananatiling kumpiyansa ang Pilipinas ukol sa konklusyon ng negosasyon para sa isang nagbubuklod na Code of Conduct (COC) sa SCS.
“the Philippines and other ASEAN member-states have been working for a new COC in the SCS for the past 20 years,” ayon kay Espiritu sabay sabing “The desire to conclude that as soon as possible is always there.”
Sa kabilang dako, ang Tsina, Pilipinas at ilang tinatawag na ‘littoral states’ ay nakikipag-agawan sa SCS, inangkin na ng Beijing ang 80% ng pinagtatalunang katubigan.
At nang tanungin si Espiritu kung ang mga ASEAN members ay makabubuo ng unified decision para ibasura ang patuloy na agresyon ng Tsina sa SCS, sinabi ni Espiritu na ipagpapatuloy ng regional bloc ang pagsusulong ng diplomatic approach para ayusin ang long-time maritime disputes.
Gayunman, sinabi ni Espiritu na ang suporta mula sa external partners ay mahalaga para tugunan ang tensyon sa SCS.
“In spite of that, the ASEAN member-states have always been committed to a peaceful settlement of disputes in the South China Sea, especially within the ambit of UNCLOS,” ang sinabi ni Espiritu.
Samantala, magkakaroon din si Pangulong Marcos ng mga pagpupulong kasama ang ibang heads of state at business leaders sa sidelines ng ASEAN Summits.
Sa katunayan aniya ay naplantsa na ang bilateral meetings ni Pangulong Marcos kasama ang Canada, New Zealand, Vietnam, at Japan.
“Marcos is also expected to meet with the regional director of short-form mobile video platform Tiktok in Southeast Asia, as well as its other creators and sellers,” ayon kay Espiritu.
Makakapulong din aniya ni Pangulong Marcos ang Thai fiber cement manufacturer Shera Public Co. at investment holding firm Capital A.
Sinabi pa nito na ang ASEAN Business and Investment Summit na inorganisa ng ASEAN Business Advisory Council ay magiging “excellent opportunity to promote cooperation in ASEAN and for us to get markets for trade and also for investments in the Philippines.”
Nakatakda ring makapulong ng Pangulo ang Filipino community sa Laos sa bisperas ng ASEAN summits sa Wanda Hotel sa Vientiane.
Tinatayang 400 Filipino ang inaasahan na makikiisa sa event.
“Most Filipinos in Laos are working in professional capacities and the hospitality business,” ayon kay Espiritu.
(Daris Jose)
-
COA, binakbakan ni PDu30 sa kanyang Talk to the People
BINAKBAKAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Commission on Audit (COA) dahil biglang pagpasok sa “giyera” sa pagitan ng virus at government’s vaccine sa pamamagitan ng pagpapalutang ng audit observation nito na may natuklasang ilang mali sa pamamalakad ng COVID-19 funds ng DOH. Bagaman hindi pa naman masasabing anomalya ang COA Audit Observation ay […]
-
VILLAR, BINAY, NAGSUMITE NA RIN NG COCC
NAKAPAGSUMITE na rin ng kanilang Certificate of Candidacy (COC) si Las Piñas City Rep. Camille Villar at Makati City Mayor Abby Binay. Mula noong unang araw, pumalo na sa 53 aspirante sa pagka-senador ang nakapagpasa na ng kanilang COC. Dalawang partylist naman ang nagpasa ng kanilang Certificate of Nomination and Certificate of Acceptance […]
-
Face-to-face classes, napapanahon na — Pangulong Marcos
WALA nang makakapigil sa pagbabalik ng “full face-to-face” classes matapos itong banggitin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address (SONA). Ayon kay Marcos, naniniwala siya na panahon na para bumalik sa mga silid aralan ang mga estudyante. “In the educational sector, I believe it is time […]