• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, tikom ang bibig sa naging meeting kay dating Pangulong Duterte

TUMANGGI si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na idetalye ang naging pakikipagulong nito kay dating Pangulong  Rodrigo Roa Duterte.

 

 

Matatandaang, nagpunta ng Palasyo ng Malakanyang noong nakaraang linggo si Duterte para makapulong si Pangulong Marcos at pag-usapan ng mga ito ang naging meeting ng una kay  Chinese President Xi Jinping in China.”

 

 

Inusisa kasi  ng mga mamamahayag si Pangulong Marcos sa isang event sa  Bulacan ukol sa naging pulong nila ni Duterte, ang naging sagot ni Pangulong  Marcos  ay mas nais nito na panatilihing confidential ang kanilang naging pag-uusap dahil may kinalaman ito sa ‘operational aspects’ ng Philippine military.

 

 

“There are other things na napag-usapan  which I think need to remain confidential, that’s between President Digong and myself. Again, these are operational aspects of our military, of our Navy, of our Coast Guard, kaya’t mahirap masyado pag-usapan. I hope you will indulge me there,” ayon sa Punong Ehekutibo.

 

 

Ang video  mula sa Presidential Communications Office (PCO) at mga larawan mula sa official Facebook ni Senador Bong Go ay nagpapakita na bumalik sa Malakanyang ang mga dating miyembro ng gabinete ni Duterte noong Agosto 2.

 

 

Kabilang dito sina Go, dating special assistant to the President; at dating Executive Secretary Salvador Medialdea.

 

 

Noong nakaraang buwan, nakipagpulong si dating Pangulong Duterte kay Chinese President Xi Jinping sa Beijing Lunes, ayon sa state media ng China.

 

 

Iniulat na sinalubong ni Xi si Duterte sa Diaoyutai State Guesthouse.

 

 

Kasama ni Duterte si dating executive secretary Salvador Medialdea, habang kasama ni Xi si State Counselor Wang Yi, Communist Party of China (CPC) Committee ng Ministry of Foreign Affairs member Ma Zhaoxu, Vice Minister of Foreign Affairs Sun Weidong, at Assistant Foreign Affairs. Ministro Hua Chunying.

 

 

Ayon kay Hua ­Chunying, tagapagsalita ng Chinese Ministry of Foreign Affairs, sinabi ni Xi na pinahahalagahan niya ang piniling strategy ni Duterte upang mapabuti ang relasyon ng Pilipinas at China sa panahon ng kanyang pagkapangulo.

 

 

Pinahahalagahan din ng China ang relasyon nito sa Pilipinas at handang makipagtulungan sa Maynila sa pagpapanatili ng paglago ng bilateral relations.

 

 

Nagpahayag din si Xi ng pag-asa na ang da­ting pinuno ng Pilipinas ay patuloy na magsusulong ng “friendly cooperation” sa pagitan ng dalawang bansa.

 

 

Samantala, sinabi ni Pangulong Marcos na batid niya ang byaheng ito ni Duterte sa China at malugod niyang tinanggap ang  anumang bagong linya ng komunikasyon sa  Asian power sa gitna ng mga usapin sa  South China Sea.  (Daris Jose)

Other News
  • Ads June 22, 2024

  • Malakanyang, pinuri ang mga COVID heroes

    PATULOY na kinikilala ng Malakanyang  ang “selflessness and hard work” ng COVID-19 frontliners kasabay ng pagdiriwang 3rd  Araw ng Kagitingan (Day of Valor) sa panahon ng pandemya.     Tinawagan ng Malakanyang ang publiko na tingnan ang present-day heroes habang patuloy na nakikipaglaban sa COVID-19.     “As we adapt to the new normal brought […]

  • Tukoy na: Mental health issues dahilan ng pag-drop out ng mas maraming college students

    MENTAL health issues ang itinuturong dahilan ng pag-drop out ng mga college students kaysa sa academic difficulty.   Ito ang isiniwalat ni Commission on Higher Education Chairperson Propero “Popoy” de Vera sa pagdinig na ginawa ng Senate finance subcommittee hinggil sa panukalang P31.6 billion budget para sa taong 2025 ng CHED.   Inurirat kasi ni […]