PBBM, tinitingnan ang ‘cutting-edge” micro nuclear fuel technology para resolbahin ang powers crisis sa bansa
- Published on May 4, 2023
- by @peoplesbalita
TINITINGNAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang “cutting-edge” micro nuclear fuel technology bilang bahagi ng pagsisikap ng kanyang administrasyon na lutasin ang power crisis sa bansa.
Ito’y matapos na makipagpulong ang Pangulo sa mga opisyal ng Ultra Safe Nuclear Corporation, isang US-based firm global leader at vertical integrator ng nuclear technologies at services.
Sa meeting sa Washington, nagpahayag ng kanyang interest si Francesco Venneri, CEO ng Ultra Safe Nuclear Corporation, magdala ng malinis at reliable nuclear energy sa Pilipinas, inilarawan ang nasabing hakbang bilang “probably a very important way for us to enter the market.”
Sinabi ng USNC na seryoso nitong kinokonsidera ang Pilipinas para sa “first nuclear energy facility” nito sa Southeast Asia at nangakong tutulong na tugunan ang serye ng blackouts na tumama sa ilang lugar sa bansa.
“We also note that there’s a great deal of discussion about Mindoro having blackouts and that might be an excellent….a good science [solution],” ani Venneri, tinukoy ang ilang power outages sa Occidental Mindoro.
Nauna rito, agad namang inaksyunan ng administrasyong Marcos ang power crisis sa lalawigan sa pamamagitan ng pag-operate sa tatlong power stations para makapagbigay ng 24-hour electricity power service sa lalawigan.
Ayon sa mga opisyal ng USNC, ang micro modular reactor (MMR) energy system ay pang-apat na generation nuclear energy system na naglalayong makapaghatid ng ligtas, malinis at cost-effective electricity sa mga users.
Ang MMR ay nakakuha ng lisensiya sa Canada at US, kinonsiderang first “fission battery” pagdating sa commercialization.
“The company anticipates eventual heavy demand for its MMRs and its nuclear fuel, and envisions the Philippines as its nuclear hub in the region,” ayon sa Malakanyang.
“Ensuring an unhampered supply of energy alongside the promotion and utilization of renewable energy sources are top priorities of the Marcos administration in an aggressive bid to realize a sufficient and clean energy supply in the future,” ang wika pa rin ng Malakanyang. (Daris Jose)
-
Bigyan ng break ang ilang mga frontliners
IREREKOMENDA ni Chief Implementer Carlito Galvez kay One Hospital Command Head DOH Undersecretary Leopoldo Vega na mabigyan ng bakasyon ang ilang mga frontliners. Ang hakbang ay bunsod na rin ng hirit ni Presidential Spokes- man Harry Roque sa gitna ng gumagandang estado o utilization rate ng mga health facilities na nasa singkuwenta porsiyento na […]
-
Messi pinakamayamang football player sa buong mundo – Forbes
Kinilala ng Forbes si Lionel Messi bilang pinakamayamang soccer player sa buong mundo. Ayon sa Forbes, mayroon itong kabuuang yaman na $126 million. million dito ay mula sa kaniyang sahod habang $34 million ay mula sa kaniyang mga endorsements. Nasa pangalawang puwesto naman ang isa pang football superstar na si Cristiano Ronaldo […]
-
Ads December 8, 2022