• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, tinitingnan ang ‘self-regenerating’ pension plans para sa AFP, PNP

HANGAD ng pamahalaan na bumuo at magpalabas ng “self-regenerating” pension plans para sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).

 

 

Isiniwalat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang plano niyang itong sa sidelines ng inagurasyon ng 160-megawatt wind farm sa Pagudpud, Ilocos Norte.

 

 

“We are still in the midst of putting together the pension plans so that it would be self-regenerating,” ayon sa Pangulo.

 

 

“Now, we’re working hard on making sure that we have a pension plan both for the AFP and for the police,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Tinukoy ang posibleng senaryo na mararanasan sa kakapusan ng pondo sa susunod na anim na taon, sinabi ng Pangulo na nais niya na ang  militar at pulis ay mayroong self-sustaining pension plan.

 

 

Aniya, kasalukuyan nang sinusuring muli ang pension system  para sa AFP at PNP para makaiwas sa posibleng fiscal collapse.

 

 

“So, bago pa mangyari ‘yun, inuunahan na natin . We are designing a better system,” aniya pa rin.

 

 

Sa Senate hearing, araw ng Lunes,  sinabi ni Defense officer-in-charge Carlito Galvez Jr. na  “very concerned” si Pangulong Marcos sa potensiyal na epekto ng reporma sa  pension system sa  military and uniformed personnel (MUP).

 

 

Tinuran ni Galvez na isusulong ng Pangulo ang “continuous discussion to have a common ground.”

 

 

Samantala, tinitingnan din ng Pangulo ang housing program hindi lamang para sa AFP at PNP subalit maging sa iba pang uniformed personnel.

 

 

“We are also putting together a program for housing for uniformed services, the police and the AFP… I think we will be able to do it at kasama na rin, maybe we can tie it up with the pension,” anito.

 

 

“There are many measures para hindi masyadong mabigat para dun sa sundalo at sa mga police,” dagdag na wika ni Galvez. (Daris Jose)

NEWS 3

Other News
  • Pinusuan ng netizens at celebrity friends: ANGELICA, proud na binalandra ang kanyang baby bump

    BINALANDRA na ni Angelica Panganiban ang kanyang baby bump sa latest post niya sa social media.     Nasa beach si Angelica kasama ang kanyang baby daddy na si Gregg Homan sa naturang photo na may caption na “Baby Moon”.     Pinusuan ng maraming netizen ang pinost na ito ng aktres kabilang na ang […]

  • Kelot nagbigti dahil sa depresyon

    Isang lalaki ang nagpasyang magpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti dahil sa depresyon sanhi umano ng pagkakaroon ng broken family sa Malabon city.     Kinilala ang biktima na si Jomar Urbano, 24, ng No. 8 Mabolo Road, Brgy. Potrero.     Ayon kay Malabon police homicide investigators P/SSgt. Jeric Tindugan at P/Cpl. Renz Marlon Baniqued, dakong […]

  • Makikitang kasama si Sen. Chiz papuntang bookstore: HEART, ni-reveal na nag-aaral na magsalita ng French

    NI-REVEAL ni Heart Evangelista na nag-aaral siyang magsalita ng French.       Sa kanyang Tiktok video, pinost niya: “Today is my first day of school. School school-an, I am learning how to speak French.”       In the video, Heart was seen with her husband Senator Chiz Escudero driving to a bookstore. Heart […]