PBBM tiniyak ang mas maayos at modernong transportasyon sa bansa
- Published on July 4, 2023
- by @peoplesbalita
SINIGURO ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa sambayanang Pilipino ang mas maayos at modernong transportasyon at ginagawa ng kaniyang administrasyon ang mga nararapat na hakbang upang makamit ang layuning ito.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag ng dumalo ito sa paglagda ng loan agreement para sa Davao Public Transport Modernization Project (DPTMP) kahapon sa Davao City.
Ayon sa chief executive ang mga proyektong kagaya ng DPTMP ay magbibigay daan sa modernisasyon ng transportasyon at paglago ng ekonomiya sa bansa.
Ang DPTMP ay isang integrated network na binubuo ng 29 na ruta na magkokonekta sa mga pangunahing commercial center ng Davao City.
Samantala, pinasinayaan din ng Pangulong Marcos Jr. ang pagbubukas ng Davao City Coastal Bypass Road (DCCBR) Segment A kasama si Vice President at Education Secretary Sara Duterte at iba pang kawani ng gobyerno.
-
Nagbebenta ng smuggled na sibuyas, ipagsasakdal, pananagutin sa batas- DA
NAGBABALA ang Department of Agriculture (DA) sa mga nagbebenta ng smuggled o pinuslit na sibuyas sa online o sa mga pamilihan na ipagsasakdal sa paggawa nito. Ang paliwanag ni DA deputy spokesperson Rex Estoperez, hindi sila nagpalabas ng permit para mag-angkat ng white onions o puting sibuyas. Ang mga mahuhuli naman […]
-
Buntis, nagpapa-breastfeed na ina kasali na sa 4Ps
MAAARI nang isama ang mga buntis at nagpapa-breastfeed na mga ina sa listahan ng benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps. Ito ay matapos ipag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapalawig pa sa coverage ng 4Ps para masiguro ang kaligtasan ng mga sanggol sa unang 1,000 araw. […]
-
DA, magkakaloob ng P5M pautang sa bawat meat vendor association ngayong panahon ng krisis
NAKAHANDA ang Department of Agriculture na magkaloob ng P5 milyong pisong halaga ng loan para sa mga meat vendors association . Sinabi ni DA Sec. William Dar, na layon nitong matulungan ang mga tindera ng baboy na magkaroon ng sapat na kapital ngayong panahon ng krisis. Aniya, magsisilbing zero interest ang pautang na […]