PBBM tiniyak pipirmahan ang panukalang Maharlika Investment Fund
- Published on June 24, 2023
- by @peoplesbalita
TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na kaniyang lalagdaan ang bagong bersiyon ng Maharlika Investment Fund (MIF) sa sandaling makarating ito sa kanyang opisina.
Gayunpaman sinabi ng chief executive na bago niya ito lagdaan, kanya muna nitong rebyuhin para makita ang buong panukala.
“I will sign it as soon as I get it. Am I happy, well that is the version the House and the Senate has passed and we will certainly look into all of the changes that have been made,” pahayag ni Pang. Marcos Jr.
Sa sandaling mapirmahan ito ng Pangulo, magigiging ganap na batas ang panukalang MIF.
Siniguro naman ng Pangulo sa publiko na hindi mapupunta sa wala ang mga perang ilalagak sa Maharlika Investment Fund. (Daris Jose)
-
Gaganap na kontrabida sa ‘Pulang Araw’: DENNIS, excited na sa matitinding eksena nila ni ALDEN
MARAMI na ang excited at nag-aabang sa pagsasama sa unang pagkakataon sa isang project nina Dennis Trillo at Alden Richards. In-announce na kabilang si Dennis sa cast ng ‘Pulang Araw’ na upcoming historical drama series ng GMA. Dito ay gaganap si Dennis bilang kontrabida, isang malupit na sundalong hapon na magpapahirap […]
-
Libreng PhilHealth coverage sa solo parents pinuri ni Bong Go
PINURI ni Senator Christopher “Bong” Go ang pagpapatupad ng libreng PhilHealth coverage solo parnts at kanilang mga anak, alinsunod sa Republic Act No. 11861, o ang Expanded Solo Parents Welfare Act. Isa si Sen. Go sa mga may-akda at co-sponsor ng nasabing batas na awtomatikong isinama ang solo parents sa National Health Insurance […]
-
Proteksyon kina PBBM, First Lady, Speaker Romualdez, taasan
NANAWAGAN ang isang mambabatas na taasan ang ipinatutupad na seguridad kina PresidentenBongbong Marcos, First Lady Liza Araneta-Marcos at Speaker Ferdinand Martin Romualdez. Ang apela ay ginawa ni House Assistant Majority Leader at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong kasunod ng nakakaalarmang pahayag ni Vice President Sara Duterte ukol sa kaligtasan ng mga […]