PBBM, tiniyak sa mga Cebuano ang patuloy na suporta mula sa gobyerno, tutuparin ang campaign promises
- Published on May 30, 2023
- by @peoplesbalita
PATULOY na magbibigay ng suporta ang administrasyon sa mga Cebuano para makamit ang “development at economic prosperity” para sa buong bansa.
Sa naging talumpati ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Office of the Presidential Assistant for the Visayas (OPAV) sa Cebu City, sinabi ng Pangulo na pangangasiwaan ng kanyang administrasyon ang implementasyon ng big-ticket infrastructure projects para mas mapabilis ang pag-unlad hindi lamang para sa nasabing lalawigan kundi maging sa buong bansa.
“Nakita ninyo naman, marami tayong kailangan pinapaspas, minamadali doon sa trabaho ng paglagay ng mga pagbabago, paggawa ng lahat ito, lahat nung nakikita ninyong problema na hinaharap natin. Precisely, lahat talaga nung ating isinisigaw noong kampanya,” ayon sa Pangulo.
“Nandoon talaga ‘yung agrikultura, nandiyan ‘yung energy, nandiyan ang ating mga maliliit na negosyante, ‘yung mga MSMEs (micro, small, and medium enterprises) na ating tinatawag. Dahan-dahan natin talagang tinutulungan sila at masasabi ko naman na ‘yung ating pinaglaban noong nakaraang halalan ay hindi lang naman slogan ang ating isinigaw at ‘yung pinag-usapan ay talagang ginagawa natin,” dagdag na wika ng Pangulo.
Tinuran pa ng Pangulo na nasa tamang direksyon ang kanyang administrasyon lalo pa’t may ilan sa campaign promises nito ang natupad na simula nang maupo siya sa posisyon bilang halal na Pangulo ng bansa.
“Sa ngayon, ‘yung ekonomiya natin dito sa Pilipinas, kasama ko lang ‘yung mga business community ng European Union, ‘yung mga iba’t-ibang bansa. Eh tayo ngayon ang fastest growing country in the world,” ayon sa Punong Ehekutibo.
“Tama ‘yung ating direksyon. Tama ‘yung ating mga iniisip. Tama naman ‘yung ating mga ipinaglaban. Talagang ipinaglaban naman talaga natin ‘yan dahil hindi naman naging madali. Syempre wala naman kampanya na madali,” aniya pa rin sabay sabing ang kanyang panawagan na “pagkakaisa” ay naging epektibo sa nation-building.
Pinasalamatan naman ng Pangulo ang mga Cebuano, isa sa “biggest voting blocs” sa bansa, para sa kanilang nagu-umapaw na pagsuporta at tiwala noong nakalipas na presidential election.
“Dahil sa tulong ninyo at napakalaking bahagi syempre ang Central Visayas, napakalaking bahagi ng voting population ng buong Pilipinas,” ayon sa Pangulo.
“Where Cebu goes…maraming sumusunod. So, it is very important ‘yung ginawa ninyo para naabot natin itong magandang pagkapanalo at masasabi natin, may unity tayong pinag-uusapan. Nagawa natin dahil lahat sumama na sa atin,” lahad nito.
Lahat aniya ay handang tumulong sa kanyang administrayson para iangat at paghusayin ang buhay ng mga Filipino. (Daris Jose)
-
President Duterte pinahinto ang vehicle inspection scheme
Pinahinto ni President Duterte ang pagpapatupad ng vehicle inspection scheme program ng Land Transportation Office (LTO) dahil sa dumaraming reklamo sa mataas na bayad dito. Hindi na mandatory ang MVIS para sa renewal ng registration ng mga private at public utility vehicles (PUVs). “MVIS is no longer mandatory. That means there […]
-
ICU beds sa NCR ‘high risk’
Nasa “high risk” na ang occupancy rate ng intensive care unit (ICU) beds sa National Capital Region dahil na rin sa patuloy na pagtaas ng naitatalang kaso ng COVID-19. Sa datos ng Department of Health (DOH), hanggang nitong Abril 18, ang ICU utilization rate sa Metro Manila ay nasa 84% na; 73% sa Cordillera […]
-
PSC suportado rin ang mga atleta sa Tokyo Paralympics
Kagaya ng mga national athletes na sasabak sa Olympic Games, makakatanggap din ng parehong suporta ang mga lalahok sa Paralympic Games sa Tokyo, Japan. Sinabi ni Philippine Sports Commissioner Arnold Agustin na ito ang pinagtibay ng PSC Board para sa kampanya ng mga Paralympians. “The PSC Board agreed to give the […]