• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, titiyakin na may aanihing benepisyo mula sa Maharlika fund

TITIYAKIN ng pamahalaan na ang planong lumikha ng first-ever sovereign wealth fund ay akma sa pangangailangan ng Pilipinas.

 

 

Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bagama’t  kasalukuyang hinihimay ang panukalang Maharlika Investment Fund (MIF) sa Kongreso, sisiguruhin  niya na ang pagkakatatag nito ay may mapapala o may maaaning benepisyo para sa bansa.

 

 

“We have to design it very specifically to the Philippine condition. And that’s what the legislators are trying to do now – to make sure na babagay para sa atin  and it will be a good thing for us. So that’s the process that we’re undergoing now,” ayon kay Pangulong Marcos sa isang panayam bago pa bumalik sa Pilipinas.

 

 

Nauna rito, nagsagawa ng soft launch ang Pangulo sa  MIF sa idinaos na Philippines’ Country Strategy Dialogue sa World Economic Forum (WEF) sa Davos, Switzerland, araw ng Martes.

 

 

Ang panukalang lumikha ng MIF para sa Pilipinas ay nakakuha ng suporta mula sa  WEF participants.

 

 

Ang pondo ayon kay Pangulong Marcos ay  gagamitin para i-diversify o pag-iba-ibahin and financial portfolio ng bansa.

 

 

Winika pa ng Pangulo na mayroon din aniyang suhestiyon mula sa business leader na mangalap at makapag-ipon ng pera para sa panukalang  wealth fund sa pamamagitan ng  initial public offering (IPO), proseso kung saan pinapayagan ang  private corporation na magbenta ng  kanilang shares of stock sa publiko sa kauna-unahang pagkakataon.

 

 

Aniya, kakalkulahin niya ang rekumendasyon kung nararapat sa bansa.

 

 

“You know, going on about the fund, the more we study it, the more it is clear that although the sovereign wealth funds around the world have the same name, they’re all very different,” ayon sa Pangulo sabay sabing“They’re different in purpose, they’re different in methodology and of course, they operate in a different context of law.” (Daris Jose)

Other News
  • Chel Diokno binansagang ‘pambansang chicken’ ang kandidatong ayaw sumipot sa debate

    TINAWAG  ni senatorial candidate at human rights lawyer Chel Diokno na “pambansang chicken” ang isang kandidato na ayaw sumipot sa mga debate.     Hindi man nagbanggit ng pangalan, si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. lang ang tanging kandidato sa pagkapangulo ang hindi humaharap sa debate.     Tumanggi rin si Marcos sa imbitasyon na one-on-one […]

  • Sirkulasyon ng pekeng pera at iba’t ibang modus ngayong Christmas season, ibinabala ng Philippine National Police sa publiko

    TODO ngayon ang paalala ng Philippine National Police (PNP) sa publiko na mag-ingat sa sirkulasyon ng pekeng pera maging ang iba’t ibang modus ngayong holiday season.     Ayon kay PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, tuwing sasapit naman ang Pasko at Bagong Taon ay nagkalat na ang iba’t ibang modus ng mga masasama ang […]

  • Zia, nagpamalas na naman sa nakaka-touch na pagkanta: DINGDONG, ibinahagi ang lumang upuan ng ama na naging first crib niya

    SA pagse-celebrate ng Father’s Day noong Linggo, June 19, nag-post ng mapusong mensahe si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes para sa kanyang tatay na si Jose Sixto Dantes, Jr.     Ibinahagi nga ng award-winning actor at host ng top-rating shows na Amazing Earth at Family Feud sa kanyang Instagram account ang larawan ng kanyang […]