• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PCG at counterpart, nag-usap sa pagpapatrolya sa labas ng EEZ

INIULAT  ng Philippine Coast Guard (PCG) na tinalakay nito kasama ang kanilang counterpart  sa Japan at United States ang posibleng pagsasagawa ng pagpapatrolya sa labas ng Philippine Exclusive Economic Zone (EEZ) o tinatawag na’ high seas’.

 

 

Ayon kay PCG commandant Admiral Ronnie Gil Gavan, tinalakay ng tatlong bansa ang usapin sa kamakailang Shangri-La Dialogue sa Singapore.

 

 

Sinabi rin ni Gavan na napag-usapan din ang posibilidad na sila ay sasakay sa barko ng Pilipinas sa pagpapatrolya sa high seas o karagatan na lampas na sa ating EEZ.

 

 

Wala pa namang timeline para sa posibleng joint patrols para ngayong taon, ayon pa kay Gava.

 

 

Kamakailan ay naglabas ng bagong regulasyon ang China na nagpapahintulot sa kanilang coast guard na arestuhin at ikulong ang mga papasok sa south China Sea kasunod ng Philippine civilian mission sa West Philippine Sea.

 

 

“Foreign suspected of illegally passing China’s borders can be held for up to 60 days”, ayon sa media report. GENE ADSUARA

Other News
  • Kampanya ni Saso inantala ng ulan

    NAURONG ang pagkorona sa bagong reyna ng 75th US Women’s Open Golf Championship nitong Linggo dahil sa serye nang pagbuhos ng ulan sa Cypress Creek at Jackrabbit course ng Champions Golf Club sa Houston, Texas.   Ipinahayag ng United States Golf Association (USGA) agronomists , na inabot ng 78 pulgada ang tubig sa golf course […]

  • VP Sara, natawa

    NATAWA na lamang si Vice President Sara Duterte nang malaman niya na iniimbestigahan na siya ng National Bureau of Investigation’s (NBI) hinggil sa paglabag niya di umano sa Anti-Terrorism Act na malinaw na para lamang ma-access ang kanyang ‘assets at mga ari-arian.’     “Natatawa ako sa violations on the anti-terror law kasi sinusubukan nila […]

  • Gobyernong Duterte, walang balak magpatupad ng toll sa EDSA

    WALANG balak ang pamahalaan na magpatupad ng toll sa EDSA sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.   Kamakailan kasi ay ipinanukala ng isang transportation consultant ang implementasyon ng  toll o electronic road pricing sa  main thoroughfare.   “Wala pong ganoong initiative sa pamahalaan ni Presidente Duterte. Kung meron man, sa ibang presidente […]