• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PCG, nakapagsagip ng mahigit 180K survivor mula sa bagyong Kristine

Naisalba ng Philippine Coast Guard ang kabuuang 186, 245 survivors mula sa mga lugar na binaha dahil sa malalakas na pag-ulan dulot ng nagdaang bagyong Kristine.

 

 

Ang mga nasagip na indibidwal ay mula sa Bicol, Southern Tagalog, Northeastern at Northwestern Luzon, NCR, Eastern, Southern at Western Visayas at Northeastern Mindanao.

 

Sa situational report na inilabas ng ahensiya nitong gabi ng Lunes, nag-deploy na ang PCG ng 7 vessels at 197 land mobility and surface vehicles para magpadala ng force augmentation at tumulong sa humanitarian assistance and disaster response operations ng gobyerno.

 

Ipinag-utos na rin ni PCG Commandant, Admiral Ronnie Gil Gavan ang full mobilization ng relief efforts para sa mga komunidad na matinding naapektuhan ng bagyong Kristine.

 

Sa kasalukuyan, mahigit 28,491 relief supplies na katumbas ng tinatayang 314.48 tonelada ng cargo ang nadala sa mga apektadong lugar.

 

Ipinanawagan din ng PCG ang mga kailangan ngayon ng mga nagrerekober na pamilya mula sa hagupit ng bagyo gaya ng portable generators, construction materials para sa kanilang mga nasirang kabahayan gaya ng pala, martilyo, pako at iba pa gayundin ang ready to eat food at hygiene kits.

 

 

Samantala, nitong Lunes, nakiisa ang mga personnel ng PCG sa pagtataas sa watawat ng Pilipinas sa half-mast bilang pag-obserba ng National Day of Mourning o Araw ng pagluluksa para sa mga biktima ng bagyong Kristine. (Daris Jose)

Other News
  • MMDA nais panatilihin ‘mandatory face mask’ kahit Alert Level Zero

    GUSTONG  panatilihin ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang sapilitang pagpapasuot ng face masks sa publiko kahit na i-deescalate pa ang ilang lugar sa mas maluwag na “Alert Level zero” sa patuloy na pagbaba ng COVID-19 cases.     Ito ang ibinahagi ni MMDA general manager Frisco San Juan Jr., Martes, sa panayam ng state […]

  • LRT2 may libreng sakay para sa mga kababaihan sa International Womens Day

    NAGHATID ng libreng sakay para sa mga kababaihang pasahero ang Light Rail Transit Line 2 (LRT2) bilang special treats kasabay ng pagdiriwang ng International Womens Day, March 8.     Ang libreng sakay ay tuwing peak hours mula alas-7 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga at mula alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.   […]

  • Non-uniformed policemen, ipapakalat ng Philippine National Police para sa papalapit na holiday season

    NAKATAKDANG  magpakalat ng non-uniformed policemen ang Philippine National Police sa mga matataong lugar tulad ng divisoria, tiangge, plaza at iba pa bilang bahagi ng pagpapanatili sa seguridad lalo na ngayong papalapit na ang holiday season.     Ayon kay PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo, ito ay bukod pa sa itatalagang kapulisan sa mga police assistance […]