PCO Sec. Chavez, inatasan ni ES Bersamin na maghanap na ng iuupong bagong PTFOMS
- Published on September 19, 2024
- by @peoplesbalita
SINABI ni Presidential Communications Office Secretary Cesar Chavez na inatasan na siya ni Executive Secretary Lucas Bersamin na maghanap ng magiging kapalit ni dating presidential task force on media security o PTFOMS executive director Paul Gutierrez sa lalong madaling panahon.
Sa isang ambush interview sa Malakanyang, sinabi ni Chavez, kung siya ang tatanungin, gusto niya ay galing din sa media o industriya ng broadcast ang kukuhanin niyang iuupong bagong pinuno ng PTFoMS o magiging kapalit ni Gutierrez.
Ang katuwiran ni Chavez, ito’y upang ganap na maintindihan o maunawaan ang panganib na kinakaharap ng mga mamamahayag at makapaglatag ng mga hakbang para maiwasang mabiktima ng karahasan dahil sa pagganap sa kanilang tungkulin.
Sa ngayon aniya ay naghahanap na aniya siya kung sino ang pwedeng irekomenda sa Pangulo para sa naturang posisyon. ( Daris Jose)
-
3×3 BASKETBALL TOURNEY, SABAY SA 45TH PBA OPENING
UPANG mapataas ang ranking ng Pilipinas sa 3×3 basketball, pasisimulan ng Philippine Basketball Association (PBA) ang 3×3 tournament sa pagbubukas ng 45th season ng liga sa Marso 8. Sinabi ni PBA Board Vice Chair at Columbian Dyip Governor Demosthenes Rosales, maliban sa kasalukuyang 12 PBA teams, magkakaroon din ang Mighty Bond at Dunkin Donuts […]
-
Inaming nagkaka-anxiety dahil sa mga tao: YASSI, ipinagdiinan na wala silang problema ni NADINE
INAMIN ni Yassi Pressman sa mediacon ng kanyang bagong teleserye na napapanood sa TV5, ang “Kurdapya” na nagkakaroon siya ng anxiety dahil daw sa mga tao. Nang magkausap daw sila ni Nadine Lustre ay sinabi niya na, “Uy girl, nagkaka-anxiety ako sa mga tao.” Ang taong tinutukoy ni Yassi nang tanungin […]
-
Wala pang time na ma-in love uli: CARLA, madalas mahilo at himatayin dahil sa heart conditions
IT’S sad to know na sa kabila ng pagiging masayahin ni Carla Abellana ay may mga heart conditions pala siya. Biro niya sa isang interview, “best friend ko na ang cardiologist ko. May “tachcardia” ako which means my heart is beating faster than normal. “Meron din akong neurocardiogeneric syncope na nahihirapang […]