PCOO, bumuo ng bagong panel para sugpuin ang korapsyon sa loob ng ahensiya
- Published on March 9, 2022
- by @peoplesbalita
OPISYAL na inilunsad ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ang sarili nitong Anti-Corruption Committee (ACC) bilang bahagi ng pagsisikap nito na sugpuin ang korapsyon sa ahensiya.
Sa isang simpleng seremonya Times Plaza Building sa kahabaan ng UN Ave. sa Ermita, Manila, inaunsyo ng PCOO ang kanilang partnership sa Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) upang lumikha ng sarili nitong ACC sa ilalim ng “Project Kasangga: Aksyon Laban sa Korapsyon” ng pamahalaan.
Nilagdaan ni PCOO Secretary Martin Andanar ang Special Order 22-35 ‘reconstituting the ACC to create a streamlined Complaint Action Center, which the public may communicate with or have access to through a hotline, help desk, and/or e-mail.”
Ang mga sumusunod na numero at e-mail address ay maaaring gamitin para mag-report ng kanilang corruption-related complaints: 0916 7378 212 (Globe), 0969 2609 853 (Smart), acc@pco.gov.ph.
Maliban sa nilikhang hotline, ang ACC ay inatasan na makipag-ugnayan sa mga ahensiya, burukrasya, at iba pang instrumentalities para sa tamang implementasyon at promosyon ng anti-corruption measures, mga polisiya at programa.
Ang komite ay responsable para sa implementasyon, monitoring at evaluation ng Action Plans na itinakda ng magpapartisipang ahensiya at dapat na mag-provideng periodic report sa kani-kanilang heads of offices at sa PACC.
Kailangan din na makipag-ugnayan ang ACC sa PACC, sa pamamagitan ng Information and Resource Management Office, para sa tamang referral ng impormasyon at incident reports ng korapsyon at kung ano ginawang aksyon.
Ang mga tanggapan at ahensiya sa ilalim ng PCOO ay kinabibilangan ng News and Information Bureau/Philippine News Agency, Philippine Information Agency, Bureau of Communications Services, National Printing Office, Presidential Broadcast Staff-Radio Television Malacañang, People’s Television Network, at Bureau of Broadcast Services. (Daris Jose)
-
Ayuda para sa mga Solo Parents, nilunsad sa Navotas
NASA 220 Navoteñong mga kwalipikadong solo parents ang nakatanggap ng P2,000 cash tulong pinansyal mula sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas kasunod ng verification ng kanilang bagong-apply o na-renew na solo parent identification card sa pamamagitan ng Saya All, Angat All program. Ani Mayor John Rey Tiangco, ito na ang pang-apat na batch ng solo parents […]
-
Tax collection ng gobyerno pumalo sa P3.55-T ngayong 2024 – DOF
Nasa kabuuang P3.55 trillion ang nakolektang buwis ng gobyerno ngayong taon. Ayon sa Department of Finance (DOF), ito ang naitalang total tax collections hanggang noong buwan ng Nobyembre, at mas mataas ito ng 15% mula sa kaparehong panahon noong 2023. Sinabi ng DOF nakalikom ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ng P2.67 trillion pesos na tumaas […]
-
Sakop para imbestigahan ang korapsyon sa pamahalaan, pinalawig ni PDu30
PINALAWIG ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang saklaw ng imbestigasyon ng Inter-Agency Task Force na binuo nito para tingnan ang korapsyon sa pamahalaan. Ipinag-utos ni Pangulong Duterte sa task force na imbestigahan ang di umano’y korapsyon sa Department of Public Works and Highways (DPWH). “It behooves upon me to see to it na […]