• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PCOO, nagsagawa ng handover ceremony at pag-welcome sa bagong pinuno nito

TINURN-over na ni  Outgoing Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar ang mga mahahalagang dokumento ng ahensiya kay incoming PCOO Secretary Atty. Trixie Cruz-Angeles.

 

 

Sa isinagawang  PCOO New Administration Continuity Handover Ceremony,  sinabi ni Andanar  na kumpiyansa siya na mapananatili ni Secretary-designate Cruz-Angeles ang game-changing reforms, lalo na ang pagsisikap na mas mapahusay pa ang government media.

 

 

Umaasa naman si  Andanar  na maipagpapatuloy ni Angeles ang mga programa at proyekto na kanyang pinangunahan gaya ng “the upgrade of facilities of public media assets, including at the PNA, PTV, PIA, PBS, RTVM, and the BCS; the realization of the goals for the Government Communications Academy, the Mindanao Media Hub, and the Visayas Media Hub; strengthened ties with both local and international media likewise a more fruitful cooperation with our allied countries.”

 

 

“To our successors, may you continue to exhibit what real public service is and  manifest a sense of determination to serve the common interests of the public. May you continue to support and pursue PCOO advocacies and aspirations of empowering every Filipino through correct and professional information delivery,” ayon kay Andanar.

 

 

Hinikayat din niya si Angeles na ipagpatuloy ang pagpo-promote sa  Freedom of Information, tumulong sa pagbibigay proteksyon sa media personnel, at itulak ang batas na Media Workers’ Welfare Bill.

 

 

Samantala, nangako naman si Angeles na magbibigay ng “more depth and more dimension” sa kung ano na ang nakamit ng PCOO, pinaalalahanan nito ang lahat na magkakaroon ng pagbabago sa pagpasok ng bagong liderato.

 

 

“Change must be managed. It is inevitable so you must face it. What we’re doing now is facing changes. There are some here who I will be seeing more and there are some who will be moving forward. Either way, you’re going to be managing some kind of change. But our success is determined by our ability not just to manage them but to adapt with them,” ani Angeles.

 

 

“I’m so glad to see that so much has been accomplished in the previous administration and what we would like to do to bring more depth, more dimension to what we have already achieved,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Si Cruz-Angeles,  isang social media strategist sa PCOO mula Hulyo 2017 hanggang 2018 sa panahon ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte, ay tinanggap ang alok na maging press secretary.

 

 

Kung maaalala, noong unang bahagi ng taong 2000s, nagtrabaho si Cruz-Angeles sa ilang mga ahensyang kasangkot sa heritage and cultural conservation.

 

 

Nagtrabaho rin siya bilang tagapagsalita ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) at legal counsel para sa mga indibidwal na sangkot sa mga kontrobersyal na kaso.

 

 

Kabilang sa mga kliyenteng kanyang kinatawan ay ang itiniwalag na ministro ng Iglesia Ni Cristo (INC) na si Lowell Menorca II at dating pugante na naging Customs Commissioner Nicanor Faeldon.

 

 

Noong 2016, sinuspinde ng Korte Suprema si Cruz-Angeles mula sa pagsasanay ng batas sa loob ng tatlong taon.

 

 

Sinabi ng mataas na hukuman, nilabag niya at ng kapwa abogadong si Wylie Paler ang mga sipi sa code of conduct ng abogado laban sa mga hindi tapat na gawain, pagpapabaya sa mga legal na bagay na ipinagkatiwala sa kanila, at pananagutan para sa pera ng kliyente.

 

 

Naging radio show host at prominenteng blogger din ito kung saan sinusuportahan niya ang administrasyon ni Pangulong Duterte.

 

 

Samantala, pinangalanan  naman ni Angeles ang iba pang incoming officials na magsisilbi sa ilalim ng kanyang liderato, ito’y sina  Ina Reformina, Greggy Eugenio, Marlon Purificacion, Bobby Rico Hermoso, Emerald Ridao, Andrei del Rosario, Atty. Eugene Rodriguez, Dale De Vera, Kitz Barja, Aristotle Aguilar, at Jan Paul Songsong. (Daris Jose)

Other News
  • Local response laban sa Covid-19 dahil sa Omicron variant, pinaigting

    TINIYAK ng Malakanyang sa publiko na pinalalakas at pinaiigting na ng gobyerno ang local response laban sa Covid-19 makaraang ideklarang variant of concern ang Omicron variant.   Sinabi ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, kabilang sa mga ginagawang hakbang ng pamahalaan ang pagbibigay kautusan sa mga local government unit o LGU’s na […]

  • Galit daw ang ina ni Elisse kaya ‘di inimbita: McCOY, hindi nakapunta sa surprise birthday party ng anak

    WHAT this we heard na nagkakatampuhan daw ngayon ang magkaparehang sina Elisse Joson at McCoy De Leon.  Hindi raw kasi dumating ang huli sa surprise birthday celebration ng una. In fairness ang mommy ni Elisse ang lahat ng may plano sa nabanggit na pa surpresa para sa kaarawan ng anak. Inimbitahan daw ng ina ni […]

  • Suspek sa pagpatay sa binatang magaling sa bilyar, timbog

    NASAKOTE ng pulisya ang suspek sa pagpatay sa 25-anyos na magaling sa larong bilyar habang nakikipag-inuman sa kanyang mga ka-tropa sa Malabon City.     Bukod kay alyas “Raffy”, 43, residente ng Dumpsite, Sitio 6, Brgy. Catmon, binitbit din nina P/Lt. Melanio Medel Valera III, Commander ng Malabon Police Sub-Station 4, ang kanyang kainuman na […]