• December 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PCOO, nakiisa sa Filipino-Chinese community sa bansa na nagdiwang ng Chinese New Year

NAGPAABOT ng pagbati ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) at nakiisa sa pagdiriwang ngayon ng Filipino-Chinese community ng kanilang Chinese New year.

 

“Happy Lunar New Year, Xīnnián kuàilè to everyone!,” ayon kay PCOO Sec. Martin Andanar.

 

Ani Andanar ang taong 2020 ay naging isang mapaghamong taon sa maraming paraan para sa lahat at sa buong mundo dahil sa COVID-19 pandemic.

 

Gayunman, lahat ay nagsikap para mapagtiisan at magkaisang makayanan ang hamon na ito.

 

“May 2021 be the year for our collective recovery from the virus and the effects it has had on our lives, as we conitnue to undertake measures to ensure our commitment in this regard,” ayon kay Andanar.

 

Habang ipinagdiriwang aniya ang okasyon na ito ay mangyaring alalahanin ng lahat ang health protocols at minimum health standards para mabawasan ang paghawa ng nasabing virus.

 

“We wish everyone a prosperous, safe, and healthy Lunar New Year!,’ ang pahayag ni Andanar. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Pacquiao simula na sa training camp sa US

    Nasa Amerika na si eight-division world champion Manny Pacquiao upang doon ipagpatuloy ang training camp nito para sa unification fight laban kay reigning World Boxing Council (WBC) at International Boxing Federation (IBF) welterweight king Errol Spence Jr. sa Agosto 21 (Agosto 22 sa Maynila).     Bago umalis ng Pilipinas, muling iginiit ni Pacquiao na […]

  • American swimmer Anita Alvarez nawalan ng malay habang nasa kumpetisyon

    NILIGTAS ng kanyang coach si American swimmer Anita Alvarez matapos na mawalan ng malay sa ilalim ng swimming pool habang ito ay nakikipagkumpetensiya sa FINA World Aquatic Championships s Budapest, Hungary.     Mabilis na tumalon sa pool si Coach Andrea Fuentes para iligtas ang 25-anyos na si artistic swimmer ng ito ay lumubog sa […]

  • Pilipinas, hindi kulelat sa buong Asean region

    PINALAGAN ng Malakanyang ang paratang ng mga kritiko ng Duterte administration na kulelat ang Pilipinas pagdating sa dami ng mga nabigyan na ng Covid-19 vaccines.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, kung pagbabasehan ang datos ukol sa bilang ng mga naturukan na ng bakuna kontra Covid-19 ay pumapangalawa na aniya  ang bansa sa Asean […]