PCSO chief Robles, pinagbibitiw
- Published on January 25, 2024
- by @peoplesbalita
HINIKAYAT ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) general manager Mel Robles na magbitiw dahil sa kabiguan umano nitong protektahan ang kabataan, lalo na ang mga bata mula sa e-lotto o online lotto project ng ahensiya.
“It is accessible to anyone, even to young children whose welfare might be affected,” ani Rodriguez.
Ayon sa mambabatas, bukas ang e-lotto opens gambling sa mga menor de edad na may mobile phones, computers at kahalintulad na devices.
“It exposes them to the evils of gambling and erodes moral values,” dagdag nito.
Inindorso ng House committee on games and amusement na pinamumunuan ni Cavite Rep. Antonio Ferrer ang panukalang batas na nagbabawal sa online lotto.
Layon ng panukala na ipagbawal ang pagtataya sa pamamagitan ng mobile phones, laptops, tablets, personal computers, at iba pang kahalintulad na gadgets sa lahat ng lotto games.
Sa kabila nang pagkakaapruba sa panukala ng komite ay ipinagpatuloy umano ni Robles ang pagapatupad ng E-lotto test run.
Sinabi pa ni Rodriguez na sa ginawang paglulunsad ng online lotto, isinatabi umano ng PCSO ang rekomendasyon ng Office of the Government Corporate Counsel (OGCC), kabilang na ang requirement para kumuha ng approval mula sa Office of the President.
“Robles likewise has not secured approval of the E-lotto From President Marcos. I believe that the President will not allow this online lotto because this will be very detrimental to our children and the Filipino youth! The PCSO ignored the three OGCC recommendations and they must face legal sanctions accordingly,” dagdag ng mambabatas.
Dapat aniyang pagtuunan ng pansin ng PCSO ang pangunahing mandato nito, na pagbibigay tulong, gamit ang kita nito mula sa traditional revenue-raising projects sa halip na i-promote ang iba’t ibang uri ng sugal.
“We have enough gambling in our country, legal and illegal. We should not add to it because gambling destroys our values, including the value of hard work, endangers the welfare of children and ruins the lives of many people,” pagtatapos ni Rodriguez. (Ara Romero)
-
MAHIGPIT NA IPATUTUPAD ANG ELECTION GUN BAN SA MM
Tiniyak ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na mahigpit nilang ipatutupad ang election gun ban sa Metro Manila simula Enero 9. Ayon kay NCRPO chief Police Major General Vicente Danao Jr., lahat daw ng klaseng baril na mayroong license at permit to carry ay hindi na dapat ilabas sa bahay ng gun […]
-
PBBM, tinaasan ang allowance ng mga foreign service employee
TINAASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang allowance ng Filipino government employees na nakatalaga sa ibang bansa. Sa ilalim ng Executive Order No. 73, ang umento sa base rates para sa overseas allowance (OA) at living quarter allowance (LQA) ay mula 35% hanggang 40%, ipatutupad sa apat na tranche. Ang family […]
-
Kamara tiniyak patuloy na tututukan ang presyo ng pagkain – House agri panel chair
TINIYAK ng House committee on agriculture and food na tuloy tuloy ang gagawing pagbabantay sa presyo ng bigas, sibuyas at iba pang produktong agrikultural. Ayon kay House Committee on Agriculture and Food Chairman Rep. Mark Enverga magpapatawag aniya ang komite ng mga pagdinig at pagsisiyasat at magdaraos ng konsultasyon sa mga stakeholder kung […]