• May 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 25th, 2024

Pinoy na nakakaranas ng gutom, dumami!

Posted on: January 25th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

DUMAMI ang bilang ng mga pamilyang Pinoy na nagugutom, batay sa latest Social Weather Station (SWS) survey.

 

 

Ito ay makaraang makapagtala ng 12.6 percent na bilang ng pamilya na nagsabing dumaranas ng involuntary hunger o pagkagutom subalit walang makain kahit isang beses sa nakalipas na tatlong buwan.

 

 

Ang naturang percentage ng involuntary hunger rate noong Disyembre ay mas mataas sa 9.8% noong September 2023.

 

 

Sa nakalipas na tatlong buwan, iniulat ng SWS na ang insidente ng pagkagutom ay umakyat ng 5.3 puntos sa Mindanao, 4.0 sa Balance Luzon, at 2.6 sa Visayas samantalang 4.6 sa Metro Manila.

 

 

Ang Total Hunger rate ay tumaaas naman sa mga Self-Rated Poor participants na mula 7.7% noong Set­yembre 2023 ay naging 20.1% noong December 2023.

 

 

Ang Total Hunger rate sa Non-Poor ay bumaba sa 5.9% noong December 2023 mula sa 10.4% noong September 2023.

 

 

Ang survey ay ginawa noong December 2023 sa 1,200 adult Filipinos.

Top 20 Business at Realty Taxpayers sa Navotas, pinarangalan

Posted on: January 25th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

BINIGYAN ng pagkilala ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang Top 20 Business at Realty Taxpayers sa lungsod bilang pasasalamat sa kanilang kontribusyon sa patuloy na pagpapaunlad sa Navotas. Personal silang pinasalamatan nina Mayor John Rey Tiangco at Cong. Toby Tiangco sa tapat at maagap nilang pagbabayad ng buwis at patuloy na pagsuporta sa layunin ng pamahalaang lungsod na itaas pa ang antas ng pamumuhay ng bawat pamilyang Navoteño. (Richard Mesa)

Nakatira na raw ngayon sa isang unit sa Rockwell: Dream house ni DANIEL, may nagkaka-interes na pero wala pang bayarang nagaganap

Posted on: January 25th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

AFTER nakitang magkasamang namili ng celphone sina Gretchen Barretto at Atong Ang, ay kay Sunshine Cruz naman iniuugnay ang negosyante.

 

May relasyon daw ngayon si Atong sa dating asawa ni Cesar Montano.

 

May mga nakakita raw na magkasama sina Sunshine at Atong sa isang non-showbiz affair.

 

Kumbaga, lipas na raw at lumang isyu yung kay Gretchen Barrett kundi isang Sunshine Cruz daw ang karelasyon ng mayaman at kontrobersiyal na negosyante.

 

Agad namang itinanggi ni Sunshine ang naturang isyu bagkus natatawa na lang ang ang premyadong aktres.

 

Dagdag pa niya na medyo matagal na raw ang naturang isyu. Hindi na raw dapat pang pag-usapan pa dahil wala raw namang katotohanan.

 

Sa isang panayam, idinenay din naman ni Atong Ang ang kumakalat na isyu, huh!

 

***

 

MATAPOS lumabas na ‘for sale’ na ang dream house ng sikat na aktor na si Daniel Padilla ay may mga nagkaka-interes na raw sa naturang mansiyon.

 

Pero as of this writing, ay wala pa raw namang bayarang nangyayari. Kaya hanggang ngayon ay pagmamay-ari pa rin ito ng Kapamilya actor.

 

Pero may nakarating na balita sa amin na hindi na raw nakatira si Daniel sa naturang bahay na super ipinagmamalaki pa niya noon, huh!

 

Doon na raw sa Rockwell umuuwi ang dating karelasyon ni Kathryn Bernardo. May isang unit kasi sa isa sa pinakamahal na lugar sa Rockwell ang anak ni Karla Estrada.

(JIMI C. ESCALA)

Philhealth, kailangang ayusin ang serbisyo sa mga miyembro-PBBM

Posted on: January 25th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

KAILANGANG ayusin ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang serbisyo sa mga miyembro nito sa oras na maipatupad na ang premium hike.

 

 

Iyon ay sa kabila ng hanggang ngayon ay pinag-aaralan pa rin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang adjustment sa premium rates ng PhilHealth.

 

 

Aniya, nais niyang makita na tumaas at madagdagan din ang benepisyo na inaalok sa mga miyembro.

 

 

“It’s all cost-benefit. If we increase, halimbawa ‘yung pinag-uusapan ngayon, ‘yung increase of contribution ng PhilHealth from 4 percent to 5 percent, tinitignan ko ,” ayon sa Pangulo sa isang panayam

 

 

 

“Sasabihin ko, sige, if you’re going to increase it, show the other side of that. What will be the increase in services, what will you be able to cover, what more will you be able to cover,” dagdag na wika nito.

 

 

 

Nauna rito, hiniling ni Health Secretary Teodoro Herbosa kay Pangulong Marcos na ipagpaliban ang implementasyon ng 5-percent premium rate increase ng PhilHealth.

 

 

 

Nakasaad sa Republic Act 11223 o Universal Healthcare Law na “mandates the increase in the PhilHealth contribution rate to increments of 0.5 percent every year starting in 2021 until it reaches 5 percent from 2024 to 2025.”

 

 

 

Matatandaang, sinuspinde ni Pangulong Marcos ang pagtataas ng premium rate ng PhilHealth at income ceiling para sa calendar year 2023.

 

 

 

At nang tanungin kung may desisyon na ito sa rekumendasyon ni Herbosa ang tugon ng Pangulo ay “It’s very hard to quantify health, how much is its worth to you. It’s worth different things to different people.” (Daris Jose)

Dahil sa sexy image noong nagsisimula pa lang: ARA, may stalker at nakatanggap ng mga ‘indecent proposal’

Posted on: January 25th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HINDI ikinahihiya ng negosyante at vlogger na si Boss Tayo, o Jayson Luzadas, ang kanyang nakaraan na dati siyang pasaway, adik, snatcher, takaw-away at ampon.

 

 

 

Ikinuwento ni Jayson na 13-anyos siya nang malaman niyang ampon siya nang lapitan siya ng isang nagpakilalang kapatid niya habang nakatambay siya sa inuman.

 

 

 

“Directly sinabi niya na, ‘Kuya kita.’ Sabi ko sino ka? Sabi niya kapatid kita. Magkakapatid tayo, isa ang nanay natin,” saad ni Jayson.

 

 

 

Aminado si Jayson na nakaapekto sa kanya ang pangyayari at nagrebelde siya lalo pa’t hindi pa niya alam noon ang tama at mali.

 

 

 

Ayon kay Jayson, nalulong siya sa ilegal na droga, nagbebenta ng mga gamit, nangungupit, at natutong magnakaw para matustusan ang kaniyang bisyo. Naging basagulero rin siya at ilang beses na nasaksak, naging snatcher at hindi nakapagtapos ng pag-aaral.

 

 

 

Naghahanap umano siya ng atensyon nang mga panahong iyon na nakita niya sa mga barkada at bisyo.

 

 

 

Pero nagsimula raw ang pagbabago sa kanyang buhay nang magkasakit siya ng dengue na halos ikamatay niya. Kinailangan siyang salinan ng dugo noon.

 

 

 

“After kung mailabas ng ospital sabi ko parang ayoko nang mag-shabu,” kuwento niya.

 

 

 

Kasabay nito, may nag-alok sa kanya na maging delivery boy na umaabot ng gabi ang trabaho. Doon raw siya natutong pahalagahan ang pera. Hanggang sa naging asawa niya si Loves Joy.

 

 

 

Ayon kay Jayson, sinubukan lang niya noon nag-buy and sell business na kilala na ngayon na “Pinoy Pawnstar.” Galing naman daw sa kanilang gold business ang puhunan nito.

 

 

 

***

 

 

 

KINUWENTO ni Ara Mina sa podcast ni Pia Arcangel na nagkaroon siya ng stalker at nakatanggap ng mga “indecent proposal” noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz.

 

 

 

Dahil sa sexy image niya noon kaya mabangong-mabango siya sa mga lalaki.

 

 

 

“I remember nagkaroon lang ako ng stalker. Nagkaroon ako ng mga suitors. I admit na mayroong mga indecent proposal na nakakatakot. Inaway sila ng manager ko, kasi parang feeling nila kaya nilang bilhin lahat.

 

 

 

“Wala pa naman social media nun, so it’s really hard for the guy to connect kung hindi mo talaga ma-mi-meet,” sey ni Ara na lagi raw may bantay noon.

 

 

 

Ngayon ay wala na raw nagtatangkang “bilhin” si Ara dahil happily married ito sa president and CEO ng Philippine International Trading Corporation (PITC) na si Dave Almarinez.

 

 

 

***

 

 

 

ANG pelikulang ‘Oppenheimer’ ang nanguna sa may pinakamaraming Oscar nominations sa taong ito. Nakuha nito ay 13 nominations.

 

 

 

Nasundan ito ng ‘Poor Things’ (11), ‘Killers of the Flower Moon’ (10) and ‘Barbie’ (8). Ang iba pang kalaban nila for Best Picture ay ‘American Fiction’, ‘Anatomy of a Fall’, ‘The Holdovers’, ‘Maestro’, ‘Past Lives’ and ‘The Zone of Interest’.

 

 

 

In-announce ang official nominees in all 23 categories nila Zazie Beetz and Jack Quaid sa Samuel Goldwyn Theater.

 

 

 

Kabilang sa na-snub ng Oscar voters ay sina Leonardo DiCaprio, Margot Robbie, Greta Gerwig, Barry Keoghan, Rosamund Pike, Alexander Payne, Charles Melton at ang pelikulang The Color Purple.

 

 

 

The 96th Academy Awards will air live on ABC on March 10 from the Dolby Theatre at Ovation Hollywood. Si Jimmy Kimmel ang mag-host ng awards night for the fourth time.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Tuloy ang laban sa sakit at ‘di susuko: KRIS, nagawa pang ireto ang kaibigan doktor kay CARLA

Posted on: January 25th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MULI ngang nagbigay ng health update ang TV host-actress na si Kris Aquino pamamagitan ng kanyang official Instagram account.

 

 

Meron na namang nakita na bagong autoimmune disease sa kanyang katawan.

 

 

Inamin ni Kris, na humina ang kanyang katawan at nabawasan din ang timbang, kasabay pa nawala ang gana niya sa pagkain.

 

 

Pero sa kabila ng matindi pa rin niyang pagdadaanan, sinabi ni Kris, hindi pa rin siya susuko at itutuloy ang laban.

 

 

Nag-post nga siya ng  series of video  na kung saan makikita ang mga test at treatment para sa kanyang kakaibang sakit.

 

 

Caption ni Kris, “Explains and answers almost everything that has happened and is happening. 2024 please be kind.”

 

 

Kabilang sa mga sakit ni Kris ay ang Churg Strauss / EGPA at Crest Syndrome.  Unti-unti na ring lumalabas ang mga symptoms ng SLE, o ang systemic lupus erythematosus.

 

 

“I was reluctant to post my pics because I lost weight again… I knew I had to help myself, nobody else could eat for me, and slowly I started eating food again,” say ni ni Kris.

 

 

“I cried nonstop when I got my blood panel results. My Churg Strauss/EGPA is still being treated, but to add to it my CREST SYNDROME is now in full ACTIVE mode,” pag-amin pa niya.

 

 

“It’s highly likely based on my ANA count (blood panel), my high inflammatory numbers, my anemia, my now constant elevated blood pressure at night, and the consistent appearance of ‘butterfly rash’ on my face that I’m at the initial stage of SLE, or what is commonly known as lupus.”

 

 

Sa kabila nga ng kanyang lumalalang at nakakaawang kundisyon, tuloy pa rin ang laban at pananalangin sa Diyos.

 

 

“We have a merciful and loving God who hears our prayers. Our battle has become more complex but I promised my sons and sisters that I wouldn’t be a wimp.

 

 

“Bawal pa ring sumuko. Tuloy ang laban,” sabi pa ni Kris.

 

 

Tulad ng inaasahan, bumuhos muli sa social media ang suporta at pagdarasal na malampasan ang naturang pagsubok at gumaling.

 

 

Ilan nga sa celebrities na nag-comment sa kanyang post, at kahit nahihirapan na ay nakuha pa rin niyang replayan:

 

“Praying for/with you always, Ate,” ang post ni Erik Santos.

 

“Di ako mapapagod na ipagdasal ka araw araw (praying hands emoji),” sabi naman ng komedyanang si Pokwang.

 

Mensahe ni Darren kay Kris, “Love you, Tita! Get well soon!”

 

Post ni Martin Nievera, “Praying for you my dear Kris.”

 

“Praying for you, mare ko. Grabe din ang tapang mo,” komento naman ni Ogie Diaz.

 

Pero ang kinaaliwan ng netizens ay nang sagutin ni Kris ang comment ni Carla Abellana na, “Prayers for you, Ms. Kris.”

 

Reply kasi ng mommy nina Josh at Bimbym “@carlaangeline if you’re already in the process of getting annulled we have a doctor friend based in OC who might be a great match.”

 

Kaya say ng netizens: “@krisaquino great match maker talaga si MK kahit noon pa.. love love love @krisaquino.”

 

@krisaquino love it. kris lines never gets old. get well soon Ms. Krissy! Ilaban na yan @carlaangeline hahaha.”

 

Wala pang sagot ni Carla tungkol sa doktor na gustong ireto sa kanya ni Kris.

 

Anyway, get well soon Kris, maraming nagdarasal sa ‘yo! Tiyak na nabubulabog na ang nasa Itaas, na sana’y pakinggan ang aming mga dasal!

(ROHN ROMULO)

Tulak kalaboso sa P.3M droga sa Valenzuela

Posted on: January 25th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

BALIK-SELDA ang isang umano’y tulak ng ilegal na droga na itinuturing bilang high value individual (HVI) matapos makuhanan ng mahigit P.3 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.

 

 

Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr. ang naarestong suspek na si Nelson Macugay, 44 ng Purok 4 Orosco St, Brgy Mapulang Lupa.

 

 

Sa report ni Col. Destura kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PEMS Restie Mables sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Cpt. Ronald Sanchez ang buy bust operation kontra sa suspek matapos ang natanggap na impormasyon na muli naman umano itong nagbebenta ng illegal na droga.

 

 

Nang matanggap ang pre-arranged signal mula sa kanyang kasama na nagpanggap na poseur buyer na hudyat na nakabili na siya ng shabu sa kanilang target ay agad lumapit ang back-up na operatiba saka inaresto ang suspek malapit sa kanyang bahay dakong alas-4:25 ng madaling araw.

 

 

Ani PSSg Ana Liza Antonio, nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 50 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P340.000.00, P500 buy bust money, P200 recovered money, coin purse at cellphone.

 

 

Ayon kay PEMS Mables, dati ng naaresto ng mga operatiba ng SDEU ang suspek noong 2021 dahil din sa pagbebenta ng droga.

 

 

Kasong paglabag sa Sections 5 at 11 under Article II of RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isasampa ng pulisya kontra sa suspek sa Valenzuela City Prosecutors Office. (Richard Mesa)

PCSO chief Robles, pinagbibitiw

Posted on: January 25th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HINIKAYAT ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) general manager Mel Robles na magbitiw dahil sa kabiguan umano nitong protektahan ang kabataan, lalo na ang mga bata mula sa e-lotto o online lotto project ng ahensiya.

 

 

“It is accessible to anyone, even to young children whose welfare might be affected,” ani Rodriguez.

 

 

Ayon sa mambabatas, bukas ang e-lotto opens gambling sa mga menor de edad na may mobile phones, computers at kahalintulad na devices.

 

 

“It exposes them to the evils of gambling and erodes moral values,” dagdag nito.

 

 

Inindorso ng House committee on games and amusement na pinamumunuan ni Cavite Rep. Antonio Ferrer ang panukalang batas na nagbabawal sa online lotto.

 

 

Layon ng panukala na ipagbawal ang pagtataya sa pamamagitan ng mobile phones, laptops, tablets, personal computers, at iba pang kahalintulad na gadgets sa lahat ng lotto games.

 

 

Sa kabila nang pagkakaapruba sa panukala ng komite ay ipinagpatuloy umano ni Robles ang pagapatupad ng E-lotto test run.

 

 

Sinabi pa ni Rodriguez na sa ginawang paglulunsad ng online lotto, isinatabi umano ng PCSO ang rekomendasyon ng Office of the Government Corporate Counsel (OGCC), kabilang na ang requirement para kumuha ng approval mula sa Office of the President.

 

 

“Robles likewise has not secured approval of the E-lotto From President Marcos. I believe that the President will not allow this online lotto because this will be very detrimental to our children and the Filipino youth! The PCSO ignored the three OGCC recommendations and they must face legal sanctions accordingly,” dagdag ng mambabatas.

 

 

Dapat aniyang pagtuunan ng pansin ng PCSO ang pangunahing mandato nito, na pagbibigay tulong, gamit ang kita nito mula sa traditional revenue-raising projects sa halip na i-promote ang iba’t ibang uri ng sugal.

 

 

“We have enough gambling in our country, legal and illegal. We should not add to it because gambling destroys our values, including the value of hard work, endangers the welfare of children and ruins the lives of many people,” pagtatapos ni Rodriguez. (Ara Romero)

24 senador pinalagan ‘People’s Initiative’ para sa Charter change

Posted on: January 25th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NILAGDAAN ng lahat ng senador ng Republika ng Pilipinas ang isang joint statement laban sa signature drive ng ilan para maamyendahan ang 1987 Constitution, bagay na bubura raw sa boses ng mga mambabatas.

 

 

Ang pahayag ay binasa ni Senate President Juan Miguel Zubiri sa isang plenary session habang pinag-uusapan ang kontrobersyal na People’s Initiative (PI) ngayong Martes.

 

 

“If this PI prospers, further changes to the Constitution can be  done with or without the Senate’s approval, or worse, even absent all the Senators,” sabi ng joint statement.

 

 

“Should Congress vote jointly in a constituent assembly the Senate and its 24 members cannot cast any meaningful vote against the 316 members of the House of Representatives.”

 

 

“While it seems simple, the goal is apparent — to make it easier to revise the Constitution by eliminating the Senate from the equation.”

 

 

Ngayong Enero lang nang ibulgar ni Rep. Edcel Lagman (Albay, 1st District) ang aniya’y suhulan para makakalap ng mga pirma para sa pagbabago ng naturang Saligang Batas.

 

 

Marami sa mga nagtutulak ng Charter change ay nais tanggalin ang mga restriksyon at limitasyon sa foreign ownership at investments sa mga industriya, serbisyo at likas-yaman sa ngalan ng “pag-unlad.” Gayunpaman, pinapalagan ito nang maraming patriyotiko dahil sa diumano’y pagsusuko ng soberanya.

 

 

“It will destabilize the principle of bicameralism and our system of checks and balances,” dagdag pa ng Senado.

 

 

“It is ridiculous that the Senate, a co-equal chamber of the House, which is needed to pass even local bills, will have a dispensable and diluted role in Charter change — the most monumental act of policymaking concerning the highest law in the land.”

 

 

Kung saka-sakaling mailusot ito, wala na raw magagawa ang Senado kahit sa mga kontrobersyal na proposals gaya ng:

  • pagtanggal ng proteksyon mula sa 100% foreign ownership ng lupa
  • pagtanggal ng term limits o “no election” scenario sa 2025 o 2028

 

Ang naturang pahayag ay tanda aniya ng tindig ng Senado bilang “bastion of democracy” at pagpalag sa talamak na paglabag sa konstitusyon.

 

 

Nangyayari ang lahat ng ito kahit una nang inihain ni Zubiri ang Resolution of both Houses 6 sa layuning maamyendahan ang Article 12 (Section 11), 14 (Paragraph 2, Section 4) at 16 (Paragraph 2 Section 11) ng konstitusyon — para rin tanggalin ang mga restriksyon sa foreign investments, foreign ownership sa public utilities, atbp.

 

 

Una nang inayawan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Bise Presidente Sara Duterte ang naturang PI para sa Cha-cha, pati na ang posibilidad ng pagbibigay ng 100% foreign ownership sa mga lupain ng bansa. Gayunpaman, aminado si Zubiri na pinapa-review na ni Marcos ang mga economic provisions.

 

 

Kamakailan lang nang sabihin ni retired Supreme Court chief justice Artemio Panganiban na kakarampot na amendments lang ang pwedeng mangyari sa ilalim ng PI, bagay na kinakailangang “malinaw at tiyak.” (Daris Jose)

Unraveling the Mystery: “Madame Web” Debuts with Stunning Character Posters

Posted on: January 25th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

GET ready for a web of mystery and power as “Madame Web” reveals the heroic faces behind the masks in stunning new posters.

 

 

Dakota Johnson leads an exceptional cast in Sony’s Spider-Man Universe, promising a groundbreaking cinematic experience.

 

Sony’s Spider-Man Universe is about to be revolutionized with the release of “Madame Web”, a film that stands as a beacon of female empowerment in superhero cinema. Gracing the big screens on February 14, this movie promises to enthrall audiences with its unique blend of suspense and superhuman feats.

 

Dakota Johnson takes center stage as the eponymous Madame Web, a character shrouded in mystique and power. Her portrayal of Cassandra Webb, a Manhattan paramedic with potentially clairvoyant abilities, is poised to redefine superhero roles.

 

Joining Dakota are Sydney Sweeney, Isabela Merced, Celeste O’Connor, and Tahar Rahim. Each actor brings their unique flair to this tapestry of interconnected destinies, making “Madame Web” not just a movie, but an experience.

 

At the heart of “Madame Web” lies an origin story unlike any other. Directed by SJ Clarkson and penned by Claire Parker & Clarkson, with a story by Kerem Sanga, the film unravels the life of Cassandra Webb. Confronting her past, she connects with three young women, each on the brink of their powerful destinies, as they navigate a perilous present.

 

Lorenzo di Bonaventura’s production prowess, combined with an exceptional screenplay and direction, promises a cinematic journey that’s both visually stunning and emotionally resonant.

 

“Madame Web” is not just a movie; it’s a celebration of strength, resilience, and the unbreakable bonds of destiny. Distributed in the Philippines by Columbia Pictures, the local office of Sony Pictures Releasing International, this film invites you to connect and be part of its story with the hashtag #MadameWeb.

 

 

(Photo & Video Credit: “Columbia Pictures”)

 

 

(ROHN ROMULO)