PCSO, namahagi ng 7 ambulansiya
- Published on October 17, 2022
- by @peoplesbalita
NASA pitong ambulansiya ang ipinamahagi ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa limang munisipalidad, mga sundalo at isang pagamutan, sa ilalim ng kanilang Medical Transport Vehicle (MTV) Donation Program.
Mismong si PCSO Vice Chairperson at General Manager Melquiades “Mel” Robles ang nanguna sa pamamahagi ng mga naturang ambulansiya sa mga benepisyaryo, sa isang simpleng seremonya na isinagawa sa kanilang punong tanggapan sa Mandaluyong City nitong Biyernes.
Kabilang naman sa mga nabiyayaan ng anim na Patient Transport Vehicles (PTV) at isang Emergency Medical Service Vehicle (EMSV) ay ang munisipalidad ng Baler, Aurora, na kinatawan ni Vice Mayor Pedro Ong Jr.; Valencia, Bohol, na kinatawan ni Mayor Dionisio Neil Balite; Can-Avid, Eastern Samar, na kinatawan ni Mayor Vilma Germino; Taft, Eastern Samar, na kinatawan ni Mayor Gina Ty; Compostela, Davao De Oro, na kinatawan ni Municipal Information Officer, Loreto Doydoy Jr.; Lakas Dagatnin Pilipinas, Sangley Point, Cavite, na kinatawan ni Commander Junnifer Cantal at Governor Celestino Gallares Memorial Hospital, Tagbiliran City, Bohol na kinatawan naman ni Engr. John Melchor Namoc.
Ang naturang aktibidad ay sinaksihan rin naman nina Assistant General Manager for Charity Sector Dr. Larry Cedro, Charity Assistance Department Manager Atty. Marissa Medrano at Board Secretary Atty. Reymar Santiago.
Ayon sa PCSO, ang naturang mga donasyon ay bahagi ng kanilang MTV Donation Program, na ang layunin ay makapagbigay ng mga medical transport vehicles sa mga conflict-affected areas, vulnerable communities, at geographically isolated at disadvantaged areas upang matiyak ang mabilis at ligtas na pagbiyahe ng mga pasyente sa mga naturang lugar. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)
-
PBBM, gobyerno “on track” sa pagsusulong ng key railway projects; determinadong resolbahin ang matindin problema sa trapiko
DETERMINADO ang gobyerno ng Pilipinas na isulong ang “key railway projects” para tugunan ang “terrible stories” hinggil sa kakulangan ng quality time para sa maraming Filipino bunsod ng traffic congestion. Ipinahayag ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa isinagawang paglagda sa Metro Manila Subway Project (MMSP) Contract Packages 102 at 103 sa Palasyo ng […]
-
Snatcher kinulata ng bystanders sa Valenzuela, kasama nakatakas
NABUGBOG na, kulong pa ang isang snatcher matapos hablutin ang cellphone ng isang pedestrian habang nakatakas naman ang kanyang kasabwat sa Valenzuela City. Kinilala ni PCpl Yves Alvin Savella ng Sub-Station-9 ng Valenzuela police ang naarestong suspek bilang si Eugin Kim Ocfemia, 27, ng Barangay Veinte Reales habang nakatakas naman ang kasama nito […]
-
Pampublikong transportasyon sa Bulacan, balik operasyon na
LUNGSOD NG MALOLOS- Balik operasyon na ang ilang pampublikong transportasyon sa Bulacan kabilang ang mga bus at dyip. Matapos ang mahigit tatlong buwang tigil pasada, nasa 526 na yunit ng mga dyip at 510 na yunit ng bus ang nabigyan na ng special permit to operate at makapagserbisyo sa publiko. Sa anunsyo ng Land […]