• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDEA: ‘HALAGA NG ILLEGAL DRUGS NA NAKATAGO PA SA EVIDENCE VAULT, NASA P14-B PA’

PUMAPATAK pa umano sa mahigit P14-bilyong halaga ng iligal na droga ang nasa kasalukuyang pangangalaga ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

 

Sa panayam kay PDEA Spokesperson Derrick Carreon, sinabi nito na batay sa kanilang pinakahuling inventory, umaabot na lamang sa nasabing halaga ang hawak nilang ipinagbabawal na gamot, mula sa lampas P22-bilyon.

 

Paglalahad pa ni Carreon, noong Agosto nang sinunog ng PDEA at PNP ang nasa dalawang tonelada ng illegal drugs na pumapalo ng P13-bilyon, na nagmula sa pinagsamang mga drogang nasabat ng dalawang ahensya.

 

Kaugnay nito, siniguro naman ni Carreon na “very secured” ang mga drug evidence na nasa kustodiya nila at ng PNP at National Bureau of Investigation.

 

Paliwanag ng opisyal, maliban sa makabagong teknolohiya na kanilang ginagamit, may iba’t ibang tao ang may hawak ng tig- iisang susi sa bawat kandado ng kanilang mga evidence vault.

 

“Hindi po basta-basta nailalabas ‘yan hangga’t walang kautusan ang korte para ilabas ‘yan at dalhin sa korte for the presentation of evidence,” wika ni Carreon.

 

Una rito, tiniyak ni PNP Chief PGen. Camilo Cascolan na masisira sa 10 araw ang mga nakumpiska nilang iligal na droga sang-ayon sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte. (Daris Jose)

Other News
  • Gaballo bagong WBC bantam interim champ

    PASIKLAB uli si dating interim World Boxing Association (WBA) bantamweight champion Reymart Gaballo nang sorpresang alpasan si Emmanuel Rodriguez ng Puerto via split decision para iuwi sa Pilipinas ang World Boxing Council (WBC) bantamweight interim title sa Mohegan Sun Arena sa Uncasville, Connecticut, USA nitong Sabado (Linggo sa oras sa Maynila).   Kinopo ng 24-anyos, […]

  • Cool Smashers umentra sa semis

    PORMAL nang nagmartsa sa semis ang Open Conference champion Creamline matapos patalsikin ang Chery Tiggo sa pamamagitan ng pukpukang 25-14, 25-20, 21-25, 28-26 desisyon kagabi sa Premier Volleyball League (PVL) Invitational Confe­rence sa The Arena sa San Juan City.     Sumulong ang Cool Smashers sa ikaapat na panalo para saluhan ang Cignal HD sa […]

  • GILAS Pilipinas, handang sumabak sa PBA

    Malugod na tinanggap ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) ang alok ng PBA na payagang makapaglaro ang Gilas Pilipinas.     Sinabi ni SBP President Al Panlilio na mula pa noon ay mahigpit na ang partnership ng GILAS at PBA.     Isa rin aniyang pagkakataon ito para makapa-ensayo na ang national team.     […]