• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDP-Laban Cusi faction, back to square one sa pagpili ng presidential bet sa Eleksyon 2022

“BACK to square one” ang PDP-Laban Cusi faction matapos tanggihan ng napisil nilang politiko ang nominasyon na maging presidential bet para sa Eleksyon 2022.

 

Hindi naman pinangalanan ni Energy Secretary Alfonso Cusi, presidente ng PDP-Laban faction ang nasabing politiko na lumagda sa certificate of nomination at acceptance para sa PDP-Laban’s presidential bet sa halalan sa susunod na taon.

 

Sinabi pa niya na batid ni Executive Secretary Salvador Medialdea kung anong pangalan ng politiko na posibleng presidential bet ng PDP-Laban.

 

Iyon nga lamang, sinabi ni Cusi na Lunes ng tanghali nang tanggihan ng sinasabing presidential bet ang naturang nominasyon.

 

“Ayaw tumakbo,” ayon kay Cusi.

 

”Yes, back to square one,” dagdag na phayag nito nang tanungin kung muli silang pipili ng bagong presidential bet.

 

Samantala, tikom naman ang bibig ni Atty. Melvin Matibag, secretary-general ng Cusi faction, sa kung ano ang impormasyon ng sinasabing presidential bet.

 

Kumpiyansa naman ang partido na magkakaroon sila ng standard-bearer bago ang araw ng Biyernes.

 

“By the end of the filing on Friday, PDP will have a standard-bearer,” ayon kay Matibag.

 

Ang huling araw ng paghahain ng certificates of candidacy (COC) ay sa darating na Biyernes, Oktubre 8.

 

Noong nakaraang Sabado, naghain si Senador Bong Go  ng kanyang certificate of candidacy bilang bise-presidente sa ilalim ng banner ng PDP-Laban.

 

Matapos maghain si Go ng kanyang COC, sinabi naman ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa isang ambush interview na itutulak nila ang “Sara-Go” tandem.

 

Sa kaparehong araw, naghain naman si Mayor Sara ng kanyang COC para sa pagka-mayor ng Davao City.

 

“no comment” naman ang sagot ito nang tanungin tungkol sa Sara-Go tandem.

 

Sa mga nakalipas na panayam, sinabi ni Mayor Sara na mayroon siyang kasunduan sa kanyang ama na isang Duterte lamang ang tatakbo sa national post  sa susunod na taon. (Daris Jose)

Other News
  • Phoenix Suns nalusaw kay Jimmy Butler, Heat

    SINANDALAN ng Miami Heat si veteran scorer Jimmy Butler upang pasukuin ang Phoenix Suns, 104-96, sa 2022-2023 National Basketball Association (NB) regular season game kahapon.   Tumikada si Butler ng 20 puntos, anim na assists at limang rebounds upang tulungan ang Heat na ilista ang 21-19 karta at hawakan ang No. 8 spot sa Eastern […]

  • Tiangco; pagsisikap ng gobyerno kontra online child abuse, higitan

    NANAWAGAN si Navotas Congressman Toby Tiangco sa mga kinauukulang pambansang ahensiya na iayon ang buong diskarte ng gobyerno ni Pangulong Bongbong Marcos sa paglaban sa online sexual abuse and exploitation of children (OSAEC).     “President Bongbong Marcos’ directive is clear: the government must ramp up efforts to combat child abuse in digital spaces. The […]

  • Loan requirements para sa PUV modernization, dapat gawing simple

    HINDI dapat pahirapan pa ng gobyerno ang mga naghihira na public utility vehicle (PUV) drivers at operators na gustong makiisa sa PUV modernization program ng pamahalaan.     Ipinunto ito ni AGRI Party-list Rep. Wilbert Lee kasabay nang panawagan nito sa Land Bank of the Philippines (LBP), Development Bank of the Philippines (DBP), at iba […]