PDP-Laban faction na suportado ni PDu30, in-adopt si Mayor Sara bilang VP bet
- Published on January 24, 2022
- by @peoplesbalita
IN-ADOPT ng PDP-Laban faction na suportado ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang anak ng huli na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio bilang vice presidential bet ng partido para sa May elections.
Nauna nang sinalungat ni Pangulong Duterte ang pagtakbo ng kanyang anak bilang bise-presidente, kahit pa nanguna ito sa surveys bilang kanyang posibleng successor.
Tinawag pa ng Chief Executive ang ka- running-mate ng kanyang anak na si dating senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na isang “weak leader.”
Ang PDP-Laban faction na suportado ni Pangulong Duterte at pinangungunahan ni Energy Secretary Alfonso Cusi ay nagpahayag sa kanilang huling kalatas na ang adbokasya ni Mayor Sara at pananaw nito ay “strongly aligned” sa PDP-Laban
Idinagdag pa ng Cusi group na ang liderato ni Mayor Sara at track record “make her most qualified for the position she is now aspiring for and therefore deserves the party’s support.”
Giit pa ng Cusi group na si Mayor Sara ay “help ensure the continuity of the vital programs of the current administration,” kabilang na sa kanilang drug campaign at infrastructure drive.
Isinasapinal pa ng Cusi group ang alliance agreement sa Lakas-CMD, kung saan si Mayro Sara ang chairman.
“We are now on our way to launching our campaign for Mayor Sara, and we assure all PDP-Laban candidates that the party is committed to support all of your candidacy,” anito.
Matatandaang, naiwan ang Cusi wing ng walang standard-bearer matapos na umatras si Senador Christopher Go sa presidential race.
Si Go ay orihinal na dapat ay tatakbo bilang bise-presidente.
Ang Lakas-CMD ay hindi pa rin tumutugon nang hingan ng komento sa usaping ito. (Daris Jose)
-
Knicks, wagi kontra Hornets sa kabila ng limitadong bilang ng mga player
PINATAOB ng New York Knicks ang Charlotte Hornets sa kabila ng limitadong bilang ng mga Knicks players. Tinapos ng Knicks ang laban sa score na 111 -105 gamit ang 43.3 shooting percentage. Siyam na player lamang ng Knicks ang available sa naturang laban at hindi nakapaglaro ang mga star player nito […]
-
Marcos idineklarang ‘regular holiday’ ika-10 ng Abril para sa Eid’l Fitr
IDINEKLARA bilang regular na holiday sa buong Pilipinas ang paparating na Miyerkules para sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr o pagtatapos ng Ramadan, bagay na nangyayari matapos ang isang buwang pag-aayuno sa Islam. Ito ang ibinahagi ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa ngalan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ngayong Huwebes sa pamamagitan ng Proclamation 514. […]
-
ANGEL, nagpapasalamat sa mga patuloy na nagdarasal sa kapamilya na nagka-COVID-19
NOONG Linggo, pinost nga ni Angel Locsin na feeling helpless siya dahil sa pagkakaroon ng COVID-19 ng kanyang 94-year-old father. Pero hindi lang ang ama na bulag ni Angel ang na-infect sa nakamamatay na virus. Sa IG stories na dinagsa ng mga dasal ay sinabi ng premyadong aktres na sampu pang […]