PDu30 at Sec. Locsin, walang namamagitang away
- Published on September 5, 2020
- by @peoplesbalita
TINIYAK ng Malakanyang na magkasundo at walang away sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. dahil lamang sa magiging rekumendasyon ng huli na ikansela ang lahat ng kontrata ng mga Chinese firm na nasa likod ng militarisasyon sa South China Sea.
Mariing itinanggi ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang sinasabing “inconsistencies” o hindi magkaparehong pahayag ng dalawang opisyal lalo pa’t sinabi naman ni Sec. Locsin na ang kanyang sinabi ay rekumendasyon lamang.
“Wala naman po sigurong inconsistencies diyan dahil ang sabi lang naman ni Secretary Locsin, he will recommend. Pero hindi po nangyari iyan because the President spoke as a matter of chief architect of foreign policy,” ayon kay Sec. Roque.
“Si Presidente naman po, wala naman pong personalan iyan,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.
Sa ulat, irerekomenda ni Sec. Locsin na tapusin na ang mga local contracts ng mga Chinese firms na mapatutunayang sangkot sa militarisasyon sa West Philippine Sea.
Ito ay kapareho ng naging hakbang ng Estados Unidos na magpataw ng sanction sa Beijing state run firms maging sa visa restrictions sa mga Chinese nationals.
Ani Locsin, nakikipag-ugnayan na siya sa Department of Transportation (DOTr) at National Economic and Development Authority upang malaman kung mayroong itong mga ongoing projects sa mga Chinese partners na nasa ilalim ng U.S. sanctions.
Samantala, magugunitang naglabas ng pahayag ang Amerika na ginagamit ng China ang kanilang state-owned corporations sa dredging at reclamation ng mahigit 3,000 acres na bahagi ng karagatan ng West Philippine Sea.
Kamakailan lamang nang sabihin ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian na mistulang naghahanap ng gulo ang Amerika sa naturang rehiyon. (Daris Jose)
-
DOLE naglaan ng P455-M para sa mga rehiyong tinamaan ng bagyong ‘Karding’
NAGLAAN ang Department of Labor and Employment ng inisyal na P455.6 milyon para sa implementasyon ng emergency employment program sa Central Luzon at CALABARZON, na sinalanta ng bagyong ‘Karding’ noong nakaraang linggo. Sa pamamagitan ng programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD), ang mga manggagawa sa impormal na sektor sa nasabing mga […]
-
Tiyak na proud na proud ang bf na si Gerald… JULIA, pinusuan ng netizens ang pinost na sexy figure
PINUSUAN ang latest IG post ni Julia Barretto ng netizens at celebrity friends na kung saan pinakita ang kanyang shapely and sexy figure. Kuha ito habang siya’y nagbabakasyon at caption na, “staycation” and for sure, proud na proud dito ang kanyang boyfriend na si Gerald Anderson sa kanyang kaseksihan. Kaya naman may kanya-kanyang […]
-
Nic Cage’s Upcoming Dracula Movie Makes The Vampire A “Sh*tty Boss”
NICOLAS Cage’s Dracula movie, Renfield, reimagines the iconic vampire as a “sh*tty boss,” says director Chris McKay. The upcoming horror-comedy boasts an intriguing team of creatives that includes Chris McKay (The Tomorrow War, The LEGO Batman Movie) at the helm with a script by Rick & Morty’s Ryan Ridley based on an original […]