PDu30, ayaw sa reenacted budget
- Published on October 8, 2020
- by @peoplesbalita
Gustong maipasa ang P4.5-trillion national budget bago ang Oktubre14.
SINABI ng Malakanyang na nais nitong maipasa ng Kongreso ang P4.5-trillion national budget bago ang Oktubre14.
Ayaw kasi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang reenacted budget pagsapit ng taong 2021.
Sinabi ni Presidential Spokes- person Harry Roque kapag naipasa ang national budget ay siguradong mapipirmahan na ito ng Pangulo sa Disyembre at magiging epektibo na ito sa Enero.
Napag-alaman na ilalaan ang malaking bahagi ng 2021 na- tional budget sa mga programa na nakatuon sa pag-ahon ng bansa mula sa idinulot na krisis ng COVID-19 pandemic.
Nauna rito, nagpahayag ng pangamba ang economic team ng Pangulo sa magiging kapalaran sa P4.5-trillion budget dahil sa agawan sa kapangyarihan sa mababang kapulongan.
Sa ulat, inakusahan ni incom- ing House Speaker at Marinduque Representative Lord Allan Velasco si incumbent House Speaker Alan Peter Cayetano na hino-hostage ang 2021 national budget upang mapanatili ang sarili sa puwesto.
Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Velasco na sa halip na matutukan ng Kamara ang trabaho, natabunan na ng pulitika at drama ang pagtalakay sa panukalang budget para sa susunod na taon.
Ayon kay Velasco, walang ibang pakay ang mga nangyayaring pag- atake at panggugulo sa House of Representatives kundi ang mapanatili ang mga personal na agenda kapalit ng agarang pagpasa sa 2021 national budget.
Kasunod nito, nananawagan si Velasco sa kanyang mga kapwa mambabatas na magpatuloy sa pagtatrabaho at ipasa ang national budget bago ang ika-14 ng Oktubre.
Una nang iginiit ni AnaKalusugan Party-list Representative Mike De- fensor na kilalang kaalyado ni Cayetano na kaya nilang maipasa sa ikalawang pagbasa ang panukalang national budget bago mag-recess ang kongreso. (Daris Jose)
-
PDu30, atras na maunang maturukan ng bakuna laban sa Covid- 19
ATRAS na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa balak nitong maunang magpaturok ng bakuna laban sa COVID-19 sa oras na dumating ito sa bansa. Sa public address ni Pangulong Duterte, Miyerkules ng gabi ay sinabi nito na prayoridad pa rin ang frontliners at mga mahahalagang manggagawa sa bansa. “Ang mga frontline na health workers; mauna […]
-
Pinoy athletes na nasa US pahinga muna matapos maantala ang qualifying games
Magpapahinga muna ang mga Filipino athletes na nagsasanay sa US para sa 2021 Tokyo Olympics. Ito ay dahil sa iniurong sa susunod na taon ang mga qualifying games para sa Olympics sa susunod na taon. Sinabi ni Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) head Philip Juico, kinabibilangan nina pole-vaulter Natalie Uy, shot-putter […]
-
Pinas, tinuligsa ang nagpapatuloy na paglulunsad ng ballistic missile ng NoKor
TINULIGSA ng gobyerno ng Pilipinas ang nagpapatuloy na paglulunsad ng ballistic missile ng North Korea. Sa katunayan, inilarawan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang nasabing pagkilos bilang “a provocation that undermines regional peace and stability.” Dahil dito, nanawagan ang DFA sa North Korea na “immediately cease” ang ganitong mga aktibidad at mangyaring sumunod sa […]