PDu30, bibili ng pinakamurang Covid-19 vaccine
- Published on September 10, 2020
- by @peoplesbalita
DALA ng kakulangan sa pondo ay tiniyak ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na bibili ang Pilipinas ng pinakamurang COVID-19 vaccine na magiging available sa merkado.
Ang katwiran ng Pangulo ay pareho lang naman ang epekto ng lahat ng vaccines.
“It’s there. I think it’s Moderna, it is a US company, I think they are ready by September. . . . Sinovac, China is also ready,” ang pahayag ni Pangulong Duterte sa kanyang public address, Lunes ng gabi.
“Kung sino magbigay ng mura doon tayo pupunta. We know we don’t have much money, kung mahal masyado, we will go for the less expensive ones,” dagdag na pahayag ng Pangulo.
Sa ilalim ng panukalang Bayanihan to Recover as One Act, na naghihintay na lamang ng lagda ng Chief Executive, ang P10 billion standby fund para sa COVID-19 vaccines at para sa testing ay isinantabi na.
Nauna rito, sinabi ni Pangulong Duterte na babayaran ng Philippine government ang vaccines na magiging available sa mga Filipino para labanan ang COVID-19.
Idinagdag pa nito na hihilingin niya saRussian at Chinese governments na makapag- loan ang Pilipinas para sa vaccine bunsod ng “economic hemorrhage” na kinahaharap ngayon ng bansa.
Kaugnay nito, inanunsyo naman ni Pangulong Duterte na napatag na ng Pilipinas ang kurba ng covid 19 dahil sa kampanya nito na labanan ang paglaganap ng COVID-19 sa bansa.
“We had obedience and people followed that meant a lot and contributed to what is happening now that there’s a flattening of cases,” anito.
“Yung local government also played a vital role in the enforcement of anti-virus measures. I salute you for doing your duty very well,” ang pahayag ng Pangulo.
Samantala, ang apela naman ng Pangulo sa publiko ay manatiling bigilante sa kabila ng positibong development.
Aniya, hindi ito nangangahulugan na nawala na si COVID-19 kundi nagpapalutang-lutang lamang ito. (Daris Jose)
-
Tuloy ang pagpapatupad ng mga programa at polisiya sa AFP
TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Armed Forces of the Philippines (AFP) Council of Sergeants Major na magpapatuloy ang mga ipinatutupad ng mga programa at polisiya na naglalayong i-promote ang kapakanan ng mga ito at ng kanilang pamilya. Sa naging talumpati ng Pangulo sa idinaos na taunang ‘traditional dinner’ para sa […]
-
Payroll pineke: Empleyado ng PSC buking sa P14.4M fraud
Isang empleyado ng Philippine Sports Commission (PSC) ang inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation dahil sa pamemeke ng payroll ng mga atleta at coaches. Kinilala ni NBI officer-in-charge Eric B. Distor ang naaresto na si Paul Michael Padua Ignacio. Nag-ugat ang reklamo kay Ignacio mula sa liham na ipinadala ng […]
-
GRUPO NG MGA MIDWIFE SA BUONG BANSA, UMAPELA SA DOH
UMAPELA sa pamahalaan ang mga grupo ng mga kumadrona, partikular na sa Department of Health na huwag silang balewalain at kilalanin ang kanilang kontribusyon sa health sector. Ayon kay Patricia Gomez, Executive Director ng Integrated Midwife Associations of the Philippines, Inc., o IMAP, isa sa kanilang hinaing ay ang Administrative Order 2012-0012 na […]