• October 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, bibili ng pinakamurang Covid-19 vaccine

DALA ng kakulangan sa pondo ay tiniyak ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na bibili ang Pilipinas ng pinakamurang  COVID-19 vaccine na magiging  available sa merkado.

 

Ang katwiran ng Pangulo ay pareho lang naman ang epekto ng lahat ng vaccines.

 

“It’s there. I think it’s Moderna, it is a US company, I think they are ready by September. . . . Sinovac, China is also ready,” ang pahayag ni Pangulong Duterte sa kanyang public address, Lunes ng gabi.

 

“Kung sino magbigay ng mura doon tayo pupunta. We know we don’t have much money, kung mahal masyado, we will go for the less expensive ones,” dagdag na pahayag ng Pangulo.

 

Sa ilalim ng panukalang  Bayanihan to Recover as One Act, na naghihintay na lamang ng lagda ng Chief Executive, ang P10 billion standby fund para sa COVID-19 vaccines at para sa  testing  ay isinantabi na.

 

Nauna rito, sinabi ni Pangulong Duterte na babayaran ng  Philippine government ang  vaccines na magiging  available sa mga  Filipino para labanan ang COVID-19.

 

Idinagdag pa nito na hihilingin niya saRussian at Chinese governments na makapag- loan ang Pilipinas para sa vaccine bunsod  ng “economic hemorrhage” na kinahaharap ngayon ng bansa.

 

Kaugnay nito, inanunsyo naman ni Pangulong Duterte na napatag na  ng Pilipinas ang kurba ng covid 19 dahil sa kampanya nito na labanan ang paglaganap ng  COVID-19 sa bansa.

 

“We had obedience and people followed that meant a lot and contributed to what is happening now that there’s a flattening of cases,” anito.

 

“Yung local government also played a vital role in the enforcement of anti-virus measures. I salute you for doing your duty very well,” ang pahayag ng Pangulo.

 

Samantala, ang apela naman ng Pangulo sa publiko ay manatiling bigilante sa kabila ng positibong development.

 

Aniya, hindi ito nangangahulugan na nawala na si  COVID-19 kundi nagpapalutang-lutang lamang ito. (Daris Jose)

Other News
  • Tag-ulan, idineklara na ng PAGASA

    PORMAL nang idineklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pagsisimula ng panahon ng tag-ulan o rainy season sa bansa.     Kasunod ito ng nararanasang severe thunderstorms na nagdulot ng malawakang pag-ulan sa nakalipas na 5 araw.     “This satisfies the criteria of the start of the rainy season over […]

  • 30% ng mga residente sa NCR, nananatiling hindi pa rin bakunado laban sa COVID-19 — Usec. Diño

    MAY 30% pa rin ng mga residente sa National Capital Region (NCR) ang hanggang ngayon ay hindi pa rin nababakunahan laban sa COVID-19     “Sa Metro Manila, puwede na kaming pumalo ng 30%,” ayon kay DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño.     “Mataas ang herd immunity natin sa Metro Manila. Siguro pumalo […]

  • 11 DRUG PERSONALITIES TIKLO SA BUY BUST SA MALABON, NAVOTAS

    ARESTADO ang sampung hinihinalang drug personalites, kabilang ang dalawang babae matapos makuhanan ng mahigit P.4 milyon halaga ng droga sa magkahiwalay na buy bust operation sa Malabon at Navotas Cities.     Ayon kay Malabon police chief Col. Albert Barot, dakong alas-11:45 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) […]