PDu30, binalaan ang mga magbebenta ng pekeng Covid-19 vaccines
- Published on April 5, 2021
- by @peoplesbalita
BINALAAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga magbebenta ng mga pekeng Covid-19 vaccines sa bansa.
Ayon sa Pangulo, titiyakin niya na pagbabayaran ng mga ito ang kanilang gagawin o kaya naman ay pupulutin ang mga ito sa kung saan sila dapat pulutin.
“Itong nagi-import ng walang ano, walang source tapos peke tapos ang mga tao magpabakuna, magbayad ng hala dahil nga may bakuna available, I’m just warning you, huwag na huwag kayo magkakamali dito na hirap na ang Pilipino tapos dagdagan mo ng ganitong pamamaraan ng hanapbuhay. Pupulutin ka talaga kung saan ,” ayon sa Chief Executive.
Aniya pa, ang pagbebenta ng pekeng Covid-19 vaccines at medisina ay magdudulot ng malubhang karamdaman sa isang tao.
“Magpeke na kayo ng candy diyan, huwag itong medisina. I’m warning you, huwag kayo magkamali dito,” anito.
Giit ng Pangulo na titiyakin niya na ang distributors ng pekeng Covid-19 vaccines ay maparurusahan sa krimeng kanyang ginawa.
“Talagang nasa iyo kung gusto mo na, panahon mo ‘di sige. Hahanapin kita at ibigay ko sayo ano ang dapat para sa iyo ,” aniya pa rin.
Sa ilalim ng Republic Act (R.A.) No. 9711 o Food and Drug Administration Act of 2009, “the importation, sale and administering of unregistered vaccines has a penalty of a fine or imprisonment.”
Samantala, umapela naman si Pangulong Duterte sa publiko na manatiling mapagpasensiya sa gitna ng pambabatikos sa limitadong suplay ng Covid-19 vaccines at mabagal na pag-rollout nito.
“We are really doing the best of our best talent getting the vaccine from anywhere para menos menos ‘yung hawaan,” ayon sa Punong Ehekutibo.
Aniya, kailangan na maintindihan ng publiko na ang pagbili ng Covid-19 vaccine ay hindi madali dahil sa limitadong global supply.
“Stretch your patience and understanding. We are doing our best. We are not a vaccine producing country. Wala tayong expertise, wala tayong knowledge. So naghihintay tayo ,” dagdag na pahayag ng Pangulo.
“Gusto ko nga umiyak sa harap ninyo pero naubos na ang luha ko. Kung alam lang ninyo ang…Para akong dumadaan ng purgatoryo ngayon hangga’t hindi ko matulungan lahat ng Pilipino ,” aniya pa rin.
Nauna rito, pinangunahan kahapon, Marso 29 ni Pangulong Duterte ang pagsalubong sa pagdating sa bansa ng isang milyong doses ng Sinovac na binili ng Pilipinas sa China.
Ang nasabing bakuna ay lulan ng eroplanong PR 361 na galing Beijing, China.
Kasama ng Pangulo sa arrival ceremony ng 1 million doses ng biniling Covid-19 vaccines sa Bulwagang Kalayaan, Villamor Airbase, sa Lungsod ng Pasay sina Health Secretary Francico Duque III, accine czar carlito Galvez Jr., Senador Bong Go at Ambassador to the Philippines Huang Xilian.
Ang nasabing bakuna ay binili ng Pilipinas para sa mga medical healthcare workers at iba pang nasa priority list gaya ng senior citizens.
Samantala, ang mga in-unload na bakuna ay dadalhin sa Marikina City kung saan matatagpuan ang DOH cold storage facility.
Ang dumating na bakuna ay sinasabing first batch pa lamang ng mahigit sa 25 milyong doses na binili ng bansa.
Kung matatandaan, Pebrero 28 at Marso 24 dumating ang mga bakunang dinonate naman ng Chinese government.
Sa ngayon ay may kabuuang 2 milyong doses na ng Coronavac.
Sa ulat, ang unang batch ng donated vaccine ay naiturok na sa ilang healthcare workers at maging sa mga senior citizens.
Ang binili naman na bakuna ng Pilipinas ay karagdagang bakuna para mas pamabilis ang vaccination program ng pamahalaan.
Samantala, hindi na nakapagbigay pa ng kanyang mensahe o talumpati ang Pangulo sa nasabing event dahil kaagad na pangungunahan din nito ang pulong ng Inter-Agency Task Force (IATF). (Daris Jose)
-
PBBM kinilala ang mga Pinoy na lumalaban ng patas sa araw-araw na buhay sa selebrasyon ng Independence day
KINILALA at binigyang-pugay ni Pang. Ferdinand Marcos Jr na ang mga Pilipinong patuloy na lumalaban ng patas sa pang araw-araw na buhay. Sinabi ng Presidente na ang tunay na diwa ng kalayaan ay makikita sa bawat Pilipinong matapang na lumalaban araw-araw. Ito ang mensahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos […]
-
PBBM, ipinag-utos sa DOE na tugunan ang power situation
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Energy (DoE) na kagyat na tugunan ang energy situation sa bansa kasunod ng red alert na deklarasyon ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP). “In light of the recent Red and Yellow Alerts in the Luzon Grid, I have instructed the Department of […]
-
Malaking challenge pero maayos namang naitawid: PIOLO, muntik nang ‘di tanggapin ang ‘Mallari’ dahil sa tatlong characters
AMINADO Piolo Pascual na bida ng ‘Mallari’, ang kauna-unahang Filipino film na idi-distribute ng Warner Bros. Pictures, na malaking challenge talaga sa kanya ang gumanap ng tatlong characters na sina Severino, John Rey at Jonathan sa tatlong magkakaibang panahon. Isa nga ito sa natanong sa ultimate heartthrob sa ginanap na biggest mediacon at […]