PDu30, binalaan ang NPA
- Published on June 10, 2021
- by @peoplesbalita
“What you can do, I can do better 10 times over. Ang kaya n’yo, kayo kong gawin”
Ito ang babala ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa New People’s Army (NPA) makaraang muling umatake ang rebeldeng grupo sa bayan ng Buenavista sa Quezon Province nitong nakaraang Sabado.
“They do not have ideology. Wala na silang prinsipyo, sa ulo nila makipag-away. They are there to plunder and just for the sheer brutality of it all, they want to kill all soldiers,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi.
Giit nito, walang usapang pangkapayapaan ang magtatagumpay sa ilalim ng kanyang liderato o sa kahit na kaninumang Pangulo ng bansa kung hindi titigil ang NPA sa pag-atake sa puwersa ng pamahalaan at civilian leaders.”
“You are insensitive of the plight of the people na kailangan ng pagkain at tulong ng gobyerno ,” ani Pangulong Duterte.
Sinabi ng Pangulo na hindi nagkulang ang pamahalaan sa pagtulong sa publiko sa panahon ng COVID-19 pandemic.
Sa katunayan aniya ay bilyong piso na ang nagagastos ng pamahalaan para sa pagbibigay ayuda at sa iba pang bagay para matugunan ang pandemiya na dala ng covid 19.
Kaya sinabi niya sa pamilya ng napaslang na sundalo na “The nation is very grateful to you, and we would know also how to reciprocate their bravery… Justice will be served sa kanila in the end.”
Sa ulat, isang miyembro ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (Cafgu) ang napaty habang isa naman ang sugatan sa naging pag-atake ng pinaghihinalaang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) rebels sa Buenavista town sa Quezon province.
Kinilala ni Police Staff Sergeant Leobert Velasquez ng Buenavista police, ng napatay na government militiaman na si Romar Gono habang si Armel Bajamunde naman ang nagtamo ng tamang bala subalit nayon ay nasa stable condition na.
Sa impormasyong ibinahagi ni Velasquez, isang Sergeant Victor Bartocillo mula sa Army’s 85th Infantry Battalion ang nagtamo ng “minor scratches” sa nangyaring bakbakan.
Ang mga sundalo at Cafgu personnel ay nagbigay ng security sa local police matapos magsagawa ng “barangayanihan”, isang uri ng community pantry, sa Barangay Del Rosario nang sila ay salakayin ng NPA rebels sa village ng Batabat Sur dakong alas-11:40 a.m, araw ng Sabado.
At nang babalik na ang government forces sa police station sa town center para sa debriefing at lunch break nang biglang umatake ang NPA.
Kaalukuyan pa ring nagsasagawa ng hot pursuit operation laban sa mga umatakeng NPA. (Daris Jose)
-
Very intimate lang ang pinangarap na kasal sa simbahan: SHAIRA, nagbigay na ng ilang updates sa wedding plans nila ni EA
MAGANDA nga raw ang pasok ng 2025 para kay Nikki Valdez dahil nakasama siya sa malaking cast ng action-serye na ‘Lolong: Bayani Ng Bayan’ ng GMA Public Affairs. Nagpapasalamat ang Kapamilya actress sa pagkakataong makapagtrabaho ulit sa Kapuso Network after ng 2023 teleserye na ‘Unbreak My Heart’ na collaboration ng GMA-7 at ABS-CBN 2. “Nakakatuwa […]
-
Isa sa kambal na anak ni football star Ronaldo pumanaw
MALUNGKOT na ipinaalam ni Manchester United footballer Cristiano Ronaldo at partner nitong si Georgina Rodriguez ang pagpanaw ng kanilang anak na lalaki. Sa kanyang social media account ay inanunsiyo ng 37-anyos na Portugal na si Ronaldo at 28-anyos na si Rodriguez ang nasabing balita. Inaasahan kasi nila na kambal ang anak […]
-
Time out muna sa pagtulong kay Dingdong: BENJIE, magtuturo sa aspiring basketball players sa Cebu
TIYAK na mapapa-‘shoot that ball’ ang mga Cebuano young hoopers sa pagdayo ni Benjie Paras sa Lapu-Lapu City ngayong araw, August 5 para sa ‘GMA Masterclass: The Sports Series.’ Time out nga muna si Otep (Benjie) sa pagtulong kay Napoy (Dingdong Dantes) resolbahin ang pagkamatay ni Don Gustavo (Tirso Cruz III) sa ‘Royal […]