PDu30, binati si Sec. Cimatu
- Published on September 24, 2020
- by @peoplesbalita
BINATI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Environment Secretary Roy Cimatu sa nagawa nitong progreso sa Manila Bay kung saan ang huli rito ay ang paglalagay ng white dolomite sand sa kahabaan ng baywalk.
“Let us begin by congratulat- ing Secretary Cimatu. You know I remember that meeting I think everybody was there when I said ‘Kaya mong linisin to?’ And the answer was very curtly given,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang public address, Lunes ng gabi.
“He said, ‘Kaya.’ People now are really enjoying the reclaimed area with the white sand maski na papaano,” dagdag na pahayag nito.
Sinabi pa ni Pangulong Duterte na palagi na lamang na naghahanap ng mali ang mga kritiko sa mga ginagawa ng pamahalaan.
“Wala naman tayo magawa. You do it, may masabi sila,” ayon kay Pangulong Duterte. (Daris Jose)
-
Belmonte, Sotto naghain ng reelection bid sa pagka-mayor, bise ng QC
Isang termino pa ang inaasam ngayon ng kasalukuyang alkalde’t bise alkalde ng Lungsod ng Quezon matapos nilang maghain ng kanilang kandidatura sa susunod na eleksyon sa darating na taon. Ika-5 ng Oktubre, Martes, nang maghain ng kanilang certificates of candidacy (COC) sina incumbent QC Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto para […]
-
PDu30, pinakilos ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan para suportahan ang Bayanihan Bakunahan” program
INATASAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan at mga instrumentalidad na ipaabot ang lahat ng posibleng suporta sa “Bayanihan Bakunahan” program na pinangungunahan ng Department of Health at Department of Interior and Local Government. Ang aktibidad na tatakbo mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1 ay naglalayong bakunahan ang 15 […]
-
Pinas, mananatili sa ilalim ng Alert Level 3 hanggang Enero 15
INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force (IATF) araw ng Miyerkules, Disyembre 29, 2021, ang rekomendasyon na manatili ang lahat ng lalawigan, highly urbanized cities, at independent component cities sa ilalim ng Alert Level 3 mula Enero 1 hanggang Enero 15, 2022. Gayundin, ipinalabas ng IATF ang updated country risk classification epektibo Enero 1, 2022 hanggang […]