• March 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, bumoto na sa kanyang hometown sa Davao City

BUMOTO na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa national at local elections mula sa kanyang hometown sa Davao City.

 

 

Bumoto si Pangulong Duterte sa Daniel R. Aguinaldo National High School, Precinct 1245-A, ng alas- 4:45 ng hapon.

 

 

Nananatili naman ang posisyon ng Pangulo na hindi mag-endorso ng kahit na sinumang presidential candidate bilang kanyang successor.

 

 

Nagpahayag lamang siya ng kanyang suporta sa kanyang anak na si  Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, tumatakbo bilang bise-presidente at ilang Senate hopefuls.

 

 

HIndi naman in-endorso ng Pangulo ang running mate ng kanyang anak na si dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., tumatakbo sa pagka-pangulo.

 

 

Gayunman, bilang pangulo ng  PDP-Laban party ay suportado nito ang tambalang Marcos and Duterte-Carpio.

 

 

Si Pangulong Duterte, pang-16 na Pangulo ng bansa ay nakatakdang iwan ang Malakanyang sa Hunyo. (Daris Jose)

Other News
  • Maraming natuwa sa post ni Camille: HEART, balik-Pinas na at hinihintay kung magkikita sila ni Sen. CHIZ

    MARAMING nagulat nang mag-post si Kapuso actress Camille Prats ng photo nila ni Kapuso actress at fashionista na si Heart Evangelita.       Natuwa ang mga fans ni Heart at umani ng maraming likes, sa post ni Camille na magkasama sila sa loob ng dressing room ng GMA Network, with a caption “nice bumping into […]

  • Belmonte, Sotto naghain ng reelection bid sa pagka-mayor, bise ng QC

    Isang termino pa ang inaasam ngayon ng kasalukuyang alkalde’t bise alkalde ng Lungsod ng Quezon matapos nilang maghain ng kanilang kandidatura sa susunod na eleksyon sa darating na taon.     Ika-5 ng Oktubre, Martes, nang maghain ng kanilang certificates of candidacy (COC) sina incumbent QC Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto para […]

  • MMDA sa mga kandidato: ‘Wag mangampanya sa sementeryo

    UMAPELA ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga kandidato sa 2025 Midterm elections na iwasang mangampanya at sa halip ay ibigay ang panahon at oras sa namayapa at mga pamilya nito.     Ginawa ni MMDA Chairman Artes ang apela kasabay ng kanyang pulong sa mga kinatawan ng 17 local government units (LGU) sa […]