PDu30, duda na kasama si Lorenzana sa nagpaplanong patalsikin siya sa puwesto at maglagay ng revolutionary government
- Published on April 22, 2021
- by @peoplesbalita
DUDA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na sasama si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa anumang pagkilos para patalsikin siya sa puwesto at maglagay ng revolutionary government.
Para kay Pangulong Duterte, isang malaking kalokohan na isipin pa ni Lorenzana ang magtatag ng revolutionary government at manguna na patalsikin siya sa puwesto.
“Do you think that he would still tinker with the kung ano-anong mga revolutionary government, revolutionary government? Kalokohan ‘yan ,” ani Pangulong Duterte sa kanyang Talk To The People, Lunes ng gabi.
Sa kabilang dako, tinawag naman ni Presidetial Spokesperson Harry Roque na ‘kuwentong kutsero’ ang sinasabing balak umano ng ilang retiradong heneral laban kay Pangulong Rodrigo Duterte sa gitna ng kawalan nito ng aksiyon sa isyu ng West Philippine Sea.
“Kuwentong kutsero lang po iyan. Naniniwala po kami na lahat ng ating kasundaluhan ay tapat sa Republika at alam po nila na hindi po talaga panahon para sa pulitika ngayon,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.
Binanggit din ni Roque na dapat ay hintayin na lamang ang eleksiyon dahil isang taon na lamang sa puwesto ang Pangulo.
Kung sa tingin aniya ng mga hindi naniniwala sa polisiya ng Pangulo ay hindi ito tama ay huwag na lamang iboto ang susuportahan nitong kandidato.
Sinabi rin ni Roque na hindi nababahala ang Pangulo kahit pa itinanggi na ng Department of National Defense at ng AFP ang sinasabing pagbawi ng suporta kay Duterte ng mga heneral.
Samantala, sinabi ng Pangulo na kung sakali nga na ituloy ng militar ang plano ng mga ito ay uuwi siya ng Davao City at hahayaan ang military na magpaliwanag sa dahilan nang pagkakatalsik niya sa puwesto.
“If we cannot work together with just buy medicines, then maybe we cannot work together on bigger things. So what’s the point? Sinabi ko talaga sa kanila. I do not work where I am not needed. And then kayo na mag-explain, explain to the Filipino people bakit ganoon,” anito.
“If I cannot have the cooperation of the Armed Forces, then there’s no point in working for this government,” dagdag na pahayag ng Pangulo.
Sa kabilang dako, labis namang nagdamdam ang Pangulo nang mabalitaan niya ang usap-usapang maglulunsad ng kudeta ang ilang military officials, sabay sabing “many things for the Armed Forces.”
Tumanggi naman ang Pangulo na palawigin pa ang usaping ito.
“Anytime, kalabitin lang ako ni (Defense Secretary) Delfin (Lorenzana) ng apat ayaw na pati ako, o ‘di sige. Maghanap tayo,” ayon pa rin sa Pangulo. (Daris Jose)
-
‘Di lamang ilaw, haligi rin ng pamilya nila: DENNIS, naging emosyonal sa birthday message niya kay JENNYLYN
DAHIL sa pag-o-open-up ni Pokwang sa social media ng mga pangyayari sa pagsasama nila ng ama ng bunsong anak na si Lee O’ Brian, may mga hindi sang-ayon sa ‘TikToClock’ host, may mga namba-bash dito. Pero marami pa rin naman ang pumapanig. Sa isang banda, personally, naiintindihan namin siya. Maaaring pangit lang […]
-
Double face mask mas mabisang pang-iwas vs COVID-19
Inirekomenda ng Center for Disease Control and Prevention (CDC) ng Estados Unidos ang pagsusuot ng dobleng face mask para mas mabisang makaiwas sa pagkahawa sa coronavirus 2019. Sa bagong resulta ng pag-aaral ng CDC, mas mabisang pag-iwas sa virus kung ipapatong ang cloth mask sa disposable medical mask. Kapag isang disposable […]
-
PFL team sisipa na sa ensayo
MAY tatlong Philippine Football League (PFL) team ang magbabalik-praktis na bilang unang hakbang ng liga para sa nalalapit na pagbubukas ng ikaapat na edisyon sa taong ito. Ang grupo na mga atat nang mag-training camp ayon kamakalawa kina Philippine Football Federation (PFF) presidet Mariano Araneta Jr. at PFL commissioner Mikhail Torre, ay ang United […]