PDu30, gustong bumalik sa Odette-hit provinces sa kabila ng COVID-19 case surge
- Published on January 7, 2022
- by @peoplesbalita
NAIS nang bumalik ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga lalawigan na winasak ng bagyong “Odette”.
Ito’y sa kabila ng pagsirit ng bagong surge ng COVID-19 cases na dahan-dahang winawalis ang iba’t ibang bansa.
Sinabi ni Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People, na nais niyang muling bisitahin ang mga Odette-hit provinces “to make a review and see if my ordered were followed”.
“So gusto ko lang tingnan ‘yung what was the progress of our government intervention there. Bibisitahan ko lahat yan ulit. Maybe middle of a–second or third quarter of January,” ayon kay Pangulong Duterte.
Kabilang sa naging kautusan ng Pangulo ay ang paggamit sa BRP Ang Pangulo–presidential yacht–bilang ospital para sa mga nangangailangan na sila’y magamot matapos ang matinding hagupit ng bagyo.
“That is a presidential yacht which I never used. Kasi sa pangalan pa lang yate eh. So every–itong mga disaster, they should be there. Set sail doon sa mga areas so that they can be easily converted to mini-hospitals where the injured pwedeng magtira doon muna while being treated,” diing pahayag ng Chief Executive.
Nang kumpirmahin ni Office of Civil Defense Administrator Ricardo Jalad kay Pangulong Duterte sa public briefing na ang BRP Ang Pangulo ay ginagamit na bilang ospital sa Siargao, sinabi ng Pangulo na , “That’s good I’m very happy to hear it. It should stay there for as long as it is needed by the populace.”
“Anyway we will have a sort of an assessment after I shall have visited those places ngayong January, second or third quarter, maybe. An sha’ allah,” ayon sa Punong Ehektibo.
“As of Wednesday,” Enero 5, ang mga lugar ng Bulacan, Cavite, Rizal, at National Capital Region (NCR) ay itinaas sa alert level 3 mula sa alert level 2, na mayroong COVID-19 case surge bilang primary reason. (Daris Jose)
-
Gaerlan, itinalaga ni PBBM bilang AFP deputy chief of staff
OPISYAL nang itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Marine commandant Major General Charlton Sean Gaerlan bilang deputy chief of staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Ito ang pangatlong pinakamataas na opisyal sa militar. Pormal namang naupo si Gaerlan sa kanyang posisyon sa AFP general headquarters sa Camp Aguinaldo […]
-
PDu30 ilalaan ang oras at panahon sa pamilya sa oras na magtapos ang termino sa 2022— Nograles
MATAPOS ang apat na dekada sa public service, pormal na magreretiro na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pulitika. Sa katunayan ay umatras na rin ito na tumakbo sa pagka-senador sa pamamagitan ng pagwi-withdraw ng kanyang Certificate of Candidacy (COC). Sinabi ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na ilalaan ng […]
-
869 JEEPNEY OPERATORS AT DRIVERS SA VALENZUELA NAKINABANG SA CASH-FOR-WORK-PROGRAM
NASA 869 jeepney operators at mga drivers sa Valenzuela City ang pansamantalang nabigyan ng sampung araw na trabaho sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development Office (DSWD)’s Cash-for-Work Program. Ito’y para matiyak na maibibigay nila ang mga pangangailangan ng kanilang pamilya sa gitna ng kanilang nasuspindeng operasyon dahil sa pinalawig General Community Quarantine […]